Jaguar bigatin kina Big Lagoon at Boss Emong
- BULGAR
- Oct 28, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 28, 2023
Matunog sa mga kareristang dehadista si Jaguar, para sa kanila ay malaki ang pag-asa nitong silatin ang dalawang sikat na kabayong Big Lagoon at Boss Emong.
Nakatakdang magkita sa pista sina Jaguar, Big Lagoon at Boss Emong para makipagtagisan ng bilis sa pitong pang mahuhusay na kasaling kabayo sa magaganap na 2023 PCSO "Silver Cup race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, bukas, (Linggo)
Gagabayan ni class A rider O'Neal Cortez ang two-leg Triple Crown winner, Jaguar kung saan inaasahan na mapapalaban ito ng todo sa dalawang kampeon na Big Lagoon at Boss Emong.
Si Big Lagoon ang reigning Presidential Gold Cup champion habang si Boss Emong ang nahirang na Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee.
"Masarap at magandang laban, siguradong balikatan ang labanan sarap panoorin," ani Jimbo Tolentino, veteran karerista, "Dapat mapag-aralan ang mga tiyempo nila para maganda ang sipat pagtaya ng Pick 5."
May distansiyang 1,800 meter race, ang ibang kalahok ay ang Don Julio, Jungkook, King Tiger, Moderne Cong, Nuclear Bomb, Robin Hood at war Cannon.
Nakalaan ang P4-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, kung saan hahamigin ng mananalong kabayo ang P2.4-M. sa event na inisponsoran ng PCSO.
Sisikwatin ng second placer ang P800,000, mapupunta sa third ang P400,000 habang tig- P200,000, P120,000 at P80,000 ang fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.
Makakakuha rin ng cash prize ang breeder ng winning horse, maging ang second at third.





Comments