top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Jackson ng Grizzlies at Mitchell ng Jazz bumida

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2021
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 11, 2021





Nagtrabaho ng todo ang Memphis Grizzlies sa third quarter upang pigilin ang bisitang Los Angeles Lakers, 119-95, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa FedExForum. Umakyat ang Grizzlies sa 15-11 at ipinakita na kaya nilang sumabay kahit wala ang kanilang bituin na Ja Morant na mukhang tatagal pa ang pagbalik.


Binura ng Memphis ang 72-68 lamang ng Lakers sa pangunguna ni Jaren Jackson Jr. at biglang lumayo sa pagwakas ng third quarter, 85-78, at hindi na nila binitawan ito.


Nagtulungan sina Jackson at Desmond Bane na sagutin ang lahat ng mga tangkang paglapit ng Lakers na pumantay ang kartada sa 13-13.


Nagtapos si Jackson na may 25 puntos at sinundan ni Bane na may 23. Nasayang ang triple double ni LeBron James na 20 puntos, 10 rebound at 11 assist habang may 22 puntos si Anthony Davis.


Sa ibang laro, walo sa 13 na ipinasok ng bisitang Utah Jazz ang nag-ambag ng 10 o higit pang puntos sa kanilang pagtambak sa Philadelphia 76ers, 118-96. Pinangunahan ni Donovan Mitchell ang balansiyadong atake sa kanyang 22 puntos at sinundan ni Rudy Gobert na may 17 at 21 rebound habang 11 puntos galing sa tatlong tres si Jordan Clarkson.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page