Jackpot sa mister-to-be… ERICH, SA MARCH 23 ANG KASAL SA SUPER RICH BUSINESSMAN BF
- BULGAR
- Feb 21, 2022
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 21, 2022

Wais talaga ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales dahil sa dinami-dami ng kanyang mga suitors mula sa showbiz at non-showbiz, mas pinili niyang maging soon-to-be husband ang binata at guwapong milyonaryong si Mateo Rafael Lorenzo.
Isa sa mga sikat na negosyante ang angkan ni Mateo o ng mga Lorenzo dahil sila lang naman ang nagmamay-ari ng iba't ibang food chains at restaurants gaya ng kilalang Pancake House, ang sikat at dinarayong Dencio's Restaurant, Teriyaki Boy, Sizzlin' Pepper Steak, Le Couer de France, Yellow Cab at Chicken Rice Soup.
Ang mga Lorenzo rin ang sinasabing top player in food manufacturing kung saa'y sila ang nagmamay-ari ng Lapanday Foods Corporation.
Sa inilabas na larawan ng entertainment website na Fashion Pulis, may ibinahaging isang photo na galing umano sa kanilang source at nilalaman nito ang Marriage Bann ng isang simbahan upang maipaalam sa nakararami ang nalalapit na kasal ng aktres.
Makikita sa nasabing litrato ang ilang impormasyon gaya ng pangalan ni Erich Gonzales na Erika Chryselle Gancayco at ang pangalan ng soon-to-be husband niyang si Mateo Rafael Lorenzo.
Base sa wedding banns, nakatakdang ikasal sina Erich at Mateo sa darating na March 23, 2022 sa Saint James Cathedral the Great Parish sa Muntinlupa City.
Sabi-sabi ng mga 'Marites', kung matutuloy ang pagiging Mrs. Lorenzo ng aktres, literal na hihiga siya sa limpak-limpak na salapi sa kanyang buong buhay.
Sa ngayo'y wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng bride or groom-to-be kung totoo nga ba ang naiulat na kasalan.
Taong 2018 nu’ng unang ianunsiyo ng aktres ang pagkakaroon nito ng relasyon sa isang non-showbiz boyfriend at ito nga'y si Mateo Lorenzo.
Ang huling boyfriend ni Erich ay si Daniel Matsunaga, subali't hindi nagtagal ang kanilang relasyon.








Comments