top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Jackpot naman kay Tony Boy, 28 yrs. na… GRETCHEN, WA' NA PAKI KAHIT PAULIT-ULIT TAWAGING 'KABIT'

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 05, 2022




Twenty-eight years nang nagsasama si Gretchen Barretto at ang karelasyong business tycoon na si Tony Boy Cojuangco.


Kahit hindi sila kasal, hindi kailanman nakaramdam ng insecurity si La Greta.


Nararamdaman kasi niya ang pagmamahal, respeto at importansiyang ibinibigay sa kanya ng kanyang “Dada” na si Tony Boy.


At kahit na sabihin pa ng kanyang mga bashers na mananatili lang siyang mistress, dedma lang si Gretchen. Ang importante ay masaya siya sa piling ni Tony Boy at may anak sila, si Dominique na malapit na ring magpakasal.


Walang panahon si Greta sa mga negatibong bagay na hindi maganda ang idinudulot.


Mas gusto niyang maging positibo at makatulong sa kapwa. Kaya naman maaliwalas lagi ang kanyang aura.


Para kay La Greta, hindi dapat ma-stress at ma-depressed kahit nasa gitna tayo ng pandemya.


Kaya naman, walang puwang sa kanya ang malungkot, magalit at mainggit sa kapwa.


Sobra-sobra ang blessings na dumarating sa kanyang buhay at masaya siya na i-share ito sa mga taong nakasama niya sa showbiz.


Bago pa nag-Pasko ay panay na ang padala niya ng ayudang bigas, groceries, atbp.. At hanggang ngayon, patuloy pa rin siya sa pamimigay.


Tunay na napaka-generous ng isang Gretchen Barretto!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page