top of page

Jackpot daw sa byuti at seksing aktres… EMAN, MINURA SA SOBRANG INGGIT DAHIL KAY JILLIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 8, 2026



Eman Pacquiao at Jillian Ward - Instagram

Photo: Eman Pacquiao at Jillian Ward - Instagram



Naintriga ang mga netizens sa Instagram (IG) post ni Jillian Ward na naka-one-piece bikini swimsuit matapos mag-iwan ng simpleng “Thank you” comment si Eman Bacosa Pacquiao. Ano nga ba ang ipinagpapasalamat ng binata sa Kapuso actress?


Well, may nag-akalang ang pa- ‘thank you’ ni Eman ay dahil sinagot na siya ni Jillian at sila na. 


Wanted sa mga netizens ang kapatid ng batang boksingero dahil parang marami itong alam sa dalawa at ito lang ang makakasagot sa kanilang mga tanong.

May nanghingi ng update mismo kay Eman, kaya lang busy ito sa pagko-comment sa post ni Jillian, pero walang sinasabi at puro emojis ang ipino-post. Biniro tuloy siyang in love na in love sa aktres at kailangan daw nito ng oxygen.


May nagpayo naman kay Eman na mag-relax lang, huwag masyadong seryosohin ang pag-ibig at baka makasira sa pagiging boxer niya. Saka kung hindi pa siya nanliligaw sa Kapuso actress, simulan na niya at huwag puro tingin siya kapag nakakatabi si Jillian.


May nagtanong naman ng “Does Eman even deserve this?” na sinagot ng mga netizens ng ‘Oo’ at para raw kay Eman lahat ang kagandahan at kaseksihan ni Jillian. 


Bagay daw ang dalawa dahil kung mestisa ang aktres, moreno naman ang anak ni Manny Pacquiao. 


Mayroon lang hindi nakapagpigil, minura si Eman Bacosa Pacquiao sa inggit na may Jillian Ward ito.





Buking sa galawan na magdyowa na talaga…

KATHRYN, PINUNASAN ANG LIPS NI MAYOR MARK IN PUBLIC



FIRST public display of affection (PDA) nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala ang na-witness ng mga nakakita sa kanila sa isang mall. Habang nasa escalator, pinunasan ng aktres ang lips ni Mayor Mark dahil may kung ano’ng nakadikit yata.


Habang ginagawa iyon ni Kathryn, full of love at nakangiting nakatingin sa kanya si Mark. 


Comment tuloy ng mga fans, mukha talagang in love na sila sa isa’t isa.

Dahil dito, todo-kilig ang mga fans ni Kathryn na ngayon, fans na rin ni Mayor Mark. 


Ilan sa mga comments nila… 

“Paulit-ulit kong pinanood ang video.” 

“Bitin na bitin. Sana, more pa.” 

“Bakit ako kinilig?” 

“Suwerteng kumag (Mark).” 

“Sana, kasalan na…” 

“Ang cute. Okay lang ‘yan.” 

“OMG! Inulit-ulit ko ang video, grabeeee.” 

“Napakasuwerte mo naman, Mayor. Kathryn na ‘yan.” 

“Pumapag-ibig na talaga ang Kathryn namin.” 


May naiyak sa tuwa at saya para kay Kathryn dahil deserved daw nito na maging maligaya at si Mark ang nakita nitong makakapagpasaya sa kanya. 


May nabasa pa kaming comment na si Kathryn daw ang tipo ng babae na grabeng magmahal, pero kapag tapos na, tapos na, wala nang balikan. At payo ng mga fans kay Mayor Mark ay mag-behave.


Isa pa, dahil marami ang nabitin sa video, ang request ng mga fans kina Kathryn at Mark ay more ayuda at sana, video para paulit-ulit nilang panoorin. 


May nagsabi naman na sa nakita nila kina Kathryn at Mark, hindi na nila kailangan ng hard launch. Enough na raw ang napanood nila sa video para sabihin at paniwalaang sila na. Hindi naman daw pupunasan ni Kathryn Bernardo ang lips ni Mayor Mark Alcala kung nasa courting stage pa lang sila.





Saksi raw sa muntik nang ‘road rage’ sa NLEX…

MORENANG AKTRES, KASAMA NI GOV. FERNANDO SA CAR



PATI si Gardo Versoza, gustong malaman kung sino ang blind item ni Arnold Clavio na maganda at morenang aktres na kasama ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa minamaneho nitong white mini cooper. 


Maaalalang nasangkot si Fernando sa isang muntik nang road rage sa North Luzon Expressway (NLEX) kung hindi natakot at agad nag-alisan ang kanyang convoy nang mabasa ang pangalan ng sinita nilang sakay ng Prado.


Sa post ni Arnold na, “Morenang Aktres, Saksi sa Road Rage ni Gov. Daniel Fernando,” nag-comment si Gardo ng “Wow naman! Patingin, cupcake.”


Siguradong kung hindi limitado ang puwedeng mag-comment sa comment box ng Instagram (IG) ni Arnold, marami rin ang magtatanong at aalamin kung sino ang ‘morenang aktres’ na ito. 


Sigurado ring may mga papasok na info at papangalanan ang nasabing aktres.

Para kasing nababanggit na ang aktres na ito na inili-link kay Fernando, hindi lang napagtutuunan ng pansin dahil sunud-sunod ang kontrobersiyal na isyu nu’ng mga nagdaang araw. 


Ang alam namin, single ang aktres at walang isyu kung ma-link siya kay Fernando, unless may asawa ang gobernador.


Dahil sa blind item na ito ni Arnold Clavio, asahan na sa mga darating na araw, mapapangalanan ang morenang aktres dahil nababanggit na sila sa mga kolum at sa mga online websites.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page