top of page

Jackpot daw… NADINE, SURE NA SURE NA WALANG KAHATI SA MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 3 min read

Updated: 4 days ago

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 17, 2026



Nadine Samonte - Instagram

Photo: Nadine Samonte - Instagram



Matagal mang nagpahinga sa showbiz si Nadine Samonte, naalagaan pa rin niya ang kanyang mukha at katawan at masasabing artistahin pa rin siya, kaya naman very effective ang pagiging CEO at endorser niya ng kanyang bagong negosyo, ang Anaiah.


Food supplements, vitamins and healthy drinks ang mga produktong ibinebenta ngayon ni Nadine na aminadong bata pa ay negosyante na talaga siya dahil tinuruan daw sila ng ina na magbenta ng kung anu-ano para magkaroon ng sariling kita.


Biro nga ni Nadine nang makapanayam namin sa media launch ng Anaiah, sabi raw sa kanya ng mister na si Richard Chua, ito na lang ang hindi pa niya naibebenta dahil kahit ano’ng puwedeng pagkakitaan ay pinapasok nga ni Nadine at hindi siya nahihiya.


Nu’ng pandemic kasi ay nagbenta rin siya ng mga danggit at tuyo. Pero dahil nagkakaedad na raw siya, gusto niyang bigyang-halaga ang pag-aalaga sa kanyang health and wellness para sa sarili at sa kanyang pamilya. 

Kaya naman ito ang naisipan niyang gawing negosyo at suportado naman daw ng kanyang mister ang lahat ng gusto niyang gawin.





Bukod sa Anaiah, inamin ni Nadine na may ibang negosyo rin sila sa Camsur kaya may times daw na du’n nag-i-stay ang mister at minsan ay siya naman ang nagpupunta ru’n.


Dahil sa ganu’ng setup nila, tinanong namin si Nadine kung gaano siya ka-secured na sa kanya lang nakatingin ang mister at wala itong ibang babae.

Natawa ito at humirit ng “Naku, subukan niya ‘no!” sabay tawag kay Richard para ito ang sumagot sa tanong.


Lumapit naman ang mister ni Nadine at seryosong sumagot ng “Wala siyang dapat alalahanin d’yan, ever. Alam niya ‘yan from day 1,” pagkatapos ay hinalikan sa labi ang misis bago lumakad palayo.


Puring-puri ni Nadine ang asawa na very supportive raw talaga at hindi siya binibigyan ng rason para makaramdam ng selos. As in kapag napi-feel pa lang daw nito na may pagdududa siya, si Richard Chua na raw mismo ang puputol sa kanyang mga iniisip at ina-assure siya kung gaano siya nito kamahal.


Kaya naman feeling jackpot talaga si Nadine sa asawa dahil sa 13 yrs. nila — nagpaplano na nga raw silang mag-renew ng vows — never daw silang nagkaroon ng third party issue.


Kaya naman pala ang ganda-ganda pa rin ni Nadine Samonte at kahit nai-stress din daw siya minsan sa business at sa pamamahala sa bahay, eh, mukhang happy wife pa rin siya dahil nga may happy life sila.


Anyway, masayang-masaya si Nadine na available na rin ngayon sa market ang kanyang Anaiah products. Sobrang sipag ni Nadine dahil siya raw mismo ay magla-live selling ng kanyang mga food supplements, vitamins at healthy juice drinks at soon ay plano rin daw nilang maipasok ito sa mga stores sa malls para mas maging accessible sa mamimili.

 




MAY mga nakapansin sa katatapos lang na Prime Video announcement ng pagdededmahan diumano nina Kim Chiu at Janine Gutierrez.


Nagkasama sa stage ang ex-girlfriend at bagong karelasyon umano ni Paulo Avelino na sina Janine at Kim nang tawagin sa stage for picture taking ang mga celebrities na kabilang sa mga naka-line-up na shows ng Prime Video.


Ang mas awkward pang moment ay halos mapagitnaan nina Kim at Janine si Paulo. Nasa right side ni Paulo si Kim, at nasa left side naman ng aktor at katabi si Sofia Andres na katabi sa other side si Janine.


Sa left side ni Janine ay katabi naman nito ang boyfriend na si Jericho Rosales.

Maraming nag-observe sa mga galaw nina Kim at Janine sa stage. Nu’ng pinalipat sina Janine at Echo sa kabilang side ng stage, pasimple itong sinundan ng tingin ni Kim pero ni hindi siya tinapunan ng tingin ni Janine.


Kaya ayan, nabuhay na naman ang isyu ngayon sa pagitan ng dalawang aktres.

Ano raw kaya ang magiging reaksiyon dito ng kanilang talent management na Star Magic (SM) lalo’t talent na rin ngayon ng SM si Janine? 


Open book naman kung gaano ka-love ng head ng Star Magic na si Direk Lauren Dyogi si Kim Chiu.


Posible kayang mamagitan si Direk Lauren kung sakaling may “cold war” nga ang ex at present GF ni Paulo Avelino?

Well, let’s see…

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page