top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jack Ma, nag-donate ng bilyones pambili ng bakuna ng mga Pinoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 25, 2021



Alam ba ninyo na may 34 korporasyon ang nag-ambag-ambag para mabuo ang P1.7 bilyon para makatulong sa pagbili ng bakuna kontra COVID sa Pilipinas?


Ito ay nasa ilalim ng Project Ugnayan.


Pero nakapagtatakang ayaw payagan ang private group na magkaroon ng sariling vaccination activities.


Eh, bakit?


◘◘◘


PINAKAMALAKI sa naturang ambagan ang donasyon ng tandem nina Sen. Manny Pacquiao at Chinese billionaire Jack Ma na nag-donate ng mahigit sa P1 bilyon.


Isang paniwalaan dili ito pero totoo!


◘◘◘


BUKOD kina Pacquiao at Jack Ma, nag-ambag din ang National Grid Corporation of the Philippines ng P1 bilyon at San Miguel Corporation ng P877 milyon.


‘Kay laking tulong ‘yan muna sa pribadong sektor!


◘◘◘


PAPALO sa 25 organisasyon at kompanya ang nag-ambag din ng kabuuang P8.018 bilyon para makatulong sa krisis.


Ngayon lamang natin nasasaksihan ang ganitong klase ng bayanihan ng pribadong sektor laban sa pandemic!


◘◘◘


ISINASAKRIPISYO ng mga donor ang sarili nilang kapakanan para makatulong sa kapwa Pinoy.


Magsilbi sanang inpirasyon sa iba pang sektor ang pakikipagtulungan ng mga korporasyon ito.

Matagal nang bahagi si Sen. Pacquiao nang serye ng pagtulong sa ordinaryong tao pero hindi inilalantad sa media!


◘◘◘


WALANG linaw kung kakandidato si Pacquiao sa 2022 pero hindi maiwasang isama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga presidentiables.


Ito ay dahil inilalarawan siya katulad sa personalidad ni dating Pangulong ‘Erap’ at Da King!


◘◘◘


DAPAT maunawaan ni Pacquiao na nagwagi si Erap dahil sa pag-oorganisa sa iba’t ibang barangay ng ID-card bearing members ng “Jeep ni Erap”.


Matagumpay na naipakete si “Erap” mula sa pagiging “Asyong Salonga” tungo sa ordinaryong jeepney driver na nakararamdam ng problema ng ordinaryong tao!


◘◘◘


TALIWAS kay “Erap”, nagkasya ang mga nasa inner circle ni Fernando Poe, Jr., sa iisang impresyon—ang pagiging ‘Hari ng Pelikulang Pilipino’, imbes na bilang mahusay na public servant.


Gamit ang organisasyon at resources ng gobyerno, natalo si Da King ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo habang nag-aaway-away ang nasa inner circle ng action hero dahil sa palpak na diskarte!


◘◘◘


MALINAW na hindi dapat magkasya si Pacquiao sa impresyon bilang “world boxing champion” lamang dahil matutulad siya kay Da King.


Dapat ipakete si Pacquio bilang bihasa at mahusay na public servant na kabisado ang pasikut-sikot ng gobyerno!


◘◘◘


IPAUBAYA na lamang ni Pacquiao ang lahat ng may kaugnayan sa batas sa mga beteranong lawmaker at magpokus siya sa pagsusuri sa public administration procedure na siyang aktuwal na trabaho ng chief executive.


Pagkapangulo ang tatakbuhin ni Pacquiao at hindi siya aakyat sa boxing ring.


Maunawaan sana ito ng kanyang mga amuyong!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page