top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

IVANA, UMAMIN KAY MARIAN NA MAY NON-SHOWBIZ BF NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 13, 2024



May boyfriend na pala ang sexy star-top vlogger na si Ivana Alawi na isang non-showbiz guy. Ito ay kanyang inamin kay Marian Rivera nang mag-guest ang Primetime Queen sa kanyang vlog. 


Hindi pa nagbibigay ng detalye o ng anumang info si Ivana kung paano sila nagkakilala ng kanyang karelasyon ngayon o kung ano'ng trabaho ng guy.


Hangga't maaari ay gusto niyang maging private ang kanyang love life, kaya hindi pa nagpo-post si Ivana sa social media ng mga larawan nila ng kanyang non-showbiz BF.


Tiyak namang maraming guys ang nanghihinayang ngayon kung bakit hindi sila nagpursigeng mapansin ni Ivana Alawi. 


May ilang netizens naman ang nagtatanong kung millionaire raw ba ang BF ni Ivana o isang pulitiko? 


Rich naman si Alawi kaya hindi na niya kailangan ng isang yayamaning boyfriend. Tiyak na financially secured ang mapalad na lalaking minahal ni Ivana Alawi. 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page