top of page

Tanggap na tumaba na… IVANA, TUMANGGING MAG-TENNIS AT JOGGING KASAMA SI BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 10, 2025




Para sa TikTok (TT) subscribers niya ang 100 cellphones na binili ni Ivana Alawi. Sa ginawa ng talent ni Perry Lansigan, hindi lang ang Team Ivana sa TT ang kanyang pinasaya, pinasaya rin nito ang stalls na binilhan niya ng cellphones at sa dami noon, naubusan ang isang stall, kaya palipat-lipat si Ivana ng stall hanggang makumpleto ang 100 cellphones.


Anyway, sa naganap na thanksgiving party ni Ivana na ginawa sa Vinta Modern Carinderia sa Tomas Morato, hindi na nito hinintay na may magtanong kung tumaba ba siya. Siya na ang nagbanggit na medyo tumaba siya na bumagay sa kanya.


Nakuwento ni Ivana na sa collab nila ni Barbie Forteza, niyaya siya ng Kapuso aktres na mag-tennis at mag-jogging. 


“Ayoko noon, naiinitan ako at napapagod,” sabi ni Ivana, kaya never natin siyang makikitang kasama ni Barbie sa mga ganap nito na self-improvement. Dalawang beses nitong sinabi na, “I love her,” na si Barbie ang tinutukoy.

Ikinagulat ng press ang inamin ni Ivana na wala siyang team sa kanyang paggawa ng content sa mga vlogs. Hindi raw niya pinaplano at kung ano lang ang maisip niya, ‘yun ang kanyang ginagawa.


Isa sa magagandang ibinalita ni Ivana ay ang paggawa niya ng teleserye at pelikula. 


Pahayag niya, “Malapit na akong may gagawing teleserye this year, at this year din ang movie.” 


Hindi lang nito sinagot kung gaano siya kayaman. Kung ano ang meron siya, contented na siya. Basta, marami siyang pera.


Lahat gagawin ng misis ni Chiz masunod lang ang gusto… ASO NI HEART, RARAMPA RIN SA PARIS SUOT ANG BRANDED NA DAMIT


Mukhang hindi titigil si Heart Evangelista hanggang hindi nadadala ang fur baby niyang si Panda sa Paris. Sinabi niya ito sa post niya tungkol kay Panda na kung saan, ipinakita nito ang bag charm niya ni Panda.


Ani Heart, “What @pandaongpaucoescudero wants, Panda gets. Who says she needs a visa? #PandaInParis #aspininparis #manifestinginamajorway. Mama, misses you.” 


Ipinost din ni Heart ang photos ni Panda na hindi alam na makararating siya ng Paris at rarampa kasama ang fur mom niya. Kapag nangyari ‘yun, makikipagsabayan si Panda kay Heart sa OOTD (outfit of the day) niyang puro rin branded.


Samantala, mula nang mabalitang si Heart ang regional ambassador ng Mugler Fragrances, nag-soldout ang Angel Nova na favorite scent at ginagamit ni Heart. Sa dami ng bumibili at nag-o-order nito ngayon, maa-out of stock ang ine-endorse ni Heart. May mga nagpapalit na nga ng scent dahil kay Heart.


May konting request lang ang mga fans ni Heart. Nai-feature na raw sa mga magazines sa Singapore at Indonesia ang pagiging ambassador ni Heart ng Mugler, pero sa mga magasin sa bansa, wala pang balita.


Anyway, ‘kaaliw ang comment ng mga fans ni Heart sa breakfast niya, nakalatag sa mesa ang food niya for breakfast, ang daming croissant, may fruits, juice at kung anu-ano pa. Pero, bakit daw hindi tumataba si Heart? Kung sila raw ang kasabay mag-breakfast ni Heart, ubos agad ang mga tinapay, isasawsaw nila sa kape. Hahaha!


Tama na raw ang promo, tapos na ang movie…

ALDEN BILANG ESCORT NI KATHRYN SA ABS-CBN BALL, HINAHARANG NG FANS


MAY mga pala-desisyon na fans. Ayaw nilang dumalo si Alden Richards sa ABS-CBN Ball at kung dadalo man daw ang aktor, ‘wag siyang gawing escort ni Kathryn Bernardo. Tapos na raw ang promo ng Hello, Love, Again (HLA), kaya wala nang rason para makita pa silang magkasama.


Sagot ng mga fans ni Alden, kung sila lang ang masusunod, ayaw din nilang dumalo si Alden sa ABS-CBN Ball na magaganap sa April 4, 2025 dahil tiyak na maba-bash lang ito. Ayaw lang nilang panghimasukan ang desisyon ng aktor at bahala na raw ito kung dadalo o hindi. 


Siguro naman, invited siya sa nasabing okasyon. Actually, dalawang big events na posibleng magkita sina Alden at Kathryn, mauuna pa nga silang magkita sa Bench Body or Work Fashion Show this March 21 na. Pareho silang rarampa at nasa kanila na rin kung gusto nilang magkita sila o hindi. 


Sabagay, malaki ang SM MOA Arena, ang venue ng fashion show at kani-kanya sila ng dressing room.


Ang mas maganda nito, abangan na lang ng mga fans at bashers ni Alden kung dadalo ba siya sa ABS-CBN Ball at kung magkikita ba sila ni Kathryn. 

Pati ito, pinoproblema ng mga bashers ni Alden. Hahaha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page