Ivana, proud na milyun-milyon ang nagastos sa lalaki

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 13, 2024

Sa wakas, may new upload si Ivana Alawi kasama ang pamilya sa kanyang Youtube channel kung saan naglaro sila ng “Never have I ever” at spicy noodles challenge.
Nausisa sa kanilang laro kung gumastos na raw ba sila ng malaki para sa isang lalaki.
Tiningnan nga muna ni Ivana ang bawat isa sa kanyang mga kapatid at muling tinanong kung hindi pa gumastos ang mga ito para sa lalaki na agad naman nilang itinanggi dahil hindi raw sila naglalabas ng malaki para sa partner.
Humirit pa ang madir ni Ivana na never daw siyang gagastos para sa lalaki habang ang aktres naman ay sumingit at sinabing proud siyang milyun-milyon ang nagastos niya para sa isang boylet na hindi na niya pinangalanan.
Napuno naman ng tawanan ang kanilang vlog dahil nagkabukingan sila sa mga very real questions na ibinato sa kanila.





Comments