top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

IVANA, KATAWAN ANG PUHUNAN KAYA NAKA-10 MILLION SUBSCRIBERS SA YOUTUBE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 27, 2020




Patuloy ang pagtaas at parami nang parami ang mga subscribers sa YouTube nina Alex Gonzaga at Ivana Alawi na ngayon ay mahigit 10 million na.


Pasok sina Alex at Ivana sa Top 10 YouTube vloggers, kaya kumikita na sila nang milyun-milyon ngayon.


Bentahe ang pagiging top vlogger nina Alex at Ivana para sa kanilang career. Si Alex, mabenta sa pagiging product endorser. Maraming natutuwa sa kanyang pagiging natural comedienne.


Si Ivana naman, grabe ang kaseksihan kaya binansagang Bagong Pantasya ng Bayan. Ang daming subscribers na naglalaway sa ganda ng kanyang katawan kaya no wonder na padagdag nang padagdag ang YT subscribers niya.


Si Alex, hindi gaanong sumikat bilang artista nu'ng nagsisimula pa lang. Nang pumutok ang kanyang vlog, saka lang nagkainteres sa kanya ang publiko kaya siya napansin.


Tumatag din ang kanyang showbiz career at nabigyan ng chance na makapag-host. Hindi na siya nakikisakay sa kasikatan ng kanyang Ate Toni. Nakilala siya sa sarili niyang kredito at dumagsa na rin ang offer for product endorsements.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page