Ivana, binatikos na sa gitna ng baha, namimigay ng ayuda, pumalag na
- BULGAR

- 53 minutes ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 31, 2026

Photo: IG _ivanaalawi
May sagot na si Ivana Alawi sa kumuwestiyon kung bakit sa binahang lugar siya namahagi ng tulong sa mga residente ng Apalit, Pampanga, dahil sa sunud-sunod na bagyo. Inakusahan ang aktres na for content ang pamimigay niya ng relief goods at sinagot niya ang akusasyon.
Pahayag ng vlogger-aktres, “Sa mga nagkakalat ng hate dahil bakit ‘di sa tuyong area tumigil, sana, alamin n’yo rin kung bakit nandu’n sa gitna ng baha ang truck natin, nasiraan ‘to at ‘di na makaandar ng bandang hapon.
“Kaya habang sinusubukan naming ayusin para lumipat ng ibang area, may mga biglang pumila at nag-stop din kung saan tumirik. Bumabalik lang din kami sa area kung saan natigil ang truck namin para makahakot din ng relief goods para madala sa ibang area.
“Sana ay maunawaan din ang buong sitwasyon bago tayo manghusga.”
Pinayuhan si Ivana na dedmahin ang nang-bash sa kanya, hindi na rin daw niya kailangang magpaliwanag.
May nag-suggest pa nga na para hindi na siya batikusin, ‘wag na lang siyang magbigay ng tulong dahil may nasasabi pa rin ang mga bashers.
May nag-comment pa nga na titigilan niya ang pamba-bash kay Ivana kapag binigyan siya nito ng iPhone. Ayun, siya naman ang nakatikim ng bashing. Bakit daw iaasa niya ang cellphone kay Ivana at mapili pa si kuya na basher, iPhone pa ang gusto.
Ilang buwan nang kasa-kasama…
SHARON, PROUD SA 2 BAGONG ‘ANAK’
NADAGDAGAN na naman ang “showbiz anak” ni Sharon Cuneta dahil kasama na sa mga ito sina Barbie Forteza at Khalil Ramos, co-stars niya sa series na Honor Thy Mother (HTM).
Sa sobrang pagmamahal niya sa dalawa, ipinromote ni Mega ang Regal Films movie na Saving Cherry (SC) na bida sina Barbie at Khalil.
Aniya, “I feel very close to Barbie and Khalil now as we’ve been working together for a couple of months. They are good actors—always professional, humble—just wonderful to be around. And I’ve fallen very much in love with them both. Barbie isn’t just a good actress. She is a great one. I love all my scenes with these two! Please watch their movie together, you’ll be in for a big treat.”
Kakaiba mag-promote si Sharon dahil pati co-stars nina Barbie at Khalil sa said movie, binanggit din. Kaya nagpasalamat si Khalil at nag-comment ng “Love you, Mama (Mega),” na sinagot ni Sharon ng “@khalilramos I love you, my sweet and loving son.”
Samantala, parang bida-kontrabida ang role ni Sharon sa Honor Thy Mother at ang husay nito sa meltdown scene niya. Nasa trailer ang scene na ito ni Mega, kaya nauna na siyang kino-congratulate.
ANG laki ng pasasalamat ni Bea Binene sa suporta ng kanyang mga fans at maging ng mga fans nila ni Wilbert Ross dahil sa maagang pagso-soldout ng tiket para sa fan meet niyang BEA-YOND The Years.
Wala pang isang araw at oras lang yata ang inabot, soldout na ang tiket. To think na hindi mura ang tiket, pero ayun, mabilis naubos at may mga nagre-request pa ng bigger venue na hindi na puwede.
Kaya, nag-post ng pasasalamat si Bea para sa kanyang fans na hindi tumigil sa pagsuporta sa kanya.
“I was supposed to post this 2 days ago. Hehehe! Hayyy, I’m filled with gratitude.
“You guys waited for this and nu’ng nag-open ang ticket selling, the site crashed after 5 minutes (EC-Vit is doing all they can to facilitate and finish verification and refunds). Ramdam na ramdam ko kayo. Pasensya na sa mga na-stress sa registration, at pasensya na rin sa mga ‘di nakakuha ng tickets.
“Pero really... maraming-maraming salamat. See you on September 11.”
Dahil sa suporta ng mga fans, laging trending ang series nina Bea at Wilbert sa Viva One gaya ng Love U Lots. Hindi rin malayong mag-hit ang kanilang Pee Mak, Philippine adaptation ng Thai horror-comedy movie, kahit pa horror ito.





Comments