Ivana, alam na this! JOSHUA, TODO-DENY SA KUMALAT NA PICTURE NILA NI RIA SA FB PAGE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 29, 2022

Nilinaw agad ni Joshua Garcia na hindi kanya ang Facebook account na may pangalan at profile picture niya.
Sa nasabing Joshua Garcia FB account ay may post ng larawan nila ni Ria Atayde at may caption na: “Ikaw ang aking liwanag.”
Nang makita nga ito ng mga netizens ay inakalang si Joshua talaga ang nag-post at lalong nadagdagan ang espekulasyon na talagang nagkakamabutihan si Ria at ang aktor.
Ini-repost ng mga fans ang nasabing post at itinag pa si Ria.
Sa kanyang Instagram Story ay kinlaro ni Joshua na hindi kanya ang FB account.
“Hello! This is not mine! I don’t have a Facebook page! Thank you,” ang pahayag ng aktor.
Kung titingnan mo ang previous posts ng fake FB page ni Joshua ay mahahalata mo namang poser talaga.





Comments