top of page
Search
  • BULGAR

Itinuring pa naman daw na kuya, Julia… JOSHUA, TINEXT SI GERALD PARA MAG-USAP SILA, DINEDMA LANG

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 30, 2020




Eksklusibong nakapanayam ng Cinema News At Home Edition si Joshua Garcia na ipinalabas nu'ng nakaraang Biyernes hosted by Bianca Gonzales at dito'y inamin ng Kapamilya actor na kung may isa siyang tao na gusto niyang makausap na "no holds barred" ngayong lockdown, ito ay si Gerald Anderson.


Ayon kay Joshua, tinext niya si Gerald kung puwede ba silang mag-usap para maayos ang lahat pero hindi pa siya nakatanggap ng reply mula rito.


Paliwanag ni Joshua, ngayong lockdown ay mahirap na may taong 'pinangingilagan' niya lalo na't itinuring niya ito na parang kuya dahil iisa lang ang handler nila at maliit ang mundo ng showbiz at nasa iisang network lang sila.


Tinanong din si Joshua kung ano ba ang isang bagay na pinaka-na-miss niya kay Julia Barretto mula nang mag-break sila, at agad niyang sagot, ito ay ang presensiya sa buhay niya ng ex-girlfriend.


Inamin din niyang iba rin kasi sa pakiramdam na alam mong may kasama ka sa lahat ng bagay lalo't sila na ang magkasama mula nang nagsisimula siya sa showbiz.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page