BF ng aktres, bitbit din… ALDEN AT NADINE, 1 MONTH MAGSASAMA SA SIARGAO
- BULGAR

- Apr 29
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 29, 2026

Photo: Alden Richards at Nadine Lustre sa Love Siargao - Viu Philippines
Fake news ang tsika na hindi na raw matutuloy ang Viu at GMA-7 series nina Alden Richards at Nadine Lustre na Love, Siargao (LS) dahil hindi pa raw nagsisimula ang taping gayung matagal na ang announcement.
Maiinis nito ang nagpakalat ng fake news dahil tuloy na ang taping ng nasabing series.
Nasa Siargao na sina Alden at Nadine at ang kani-kanilang team, at ibig sabihin, any day now, magsisimula na silang mag-taping.
Kasama nilang lumipad pa-Siargao sina Gabe Lagman at Kyline Alcantara, at ibig sabihin, kasama sila sa cast. Alangan namang nakisabay lang sila kina Alden at Nadine na pumunta sa Siargao.
Kasama rin sa cast sina Coleen Garcia, AZ Martinez, Vince Maristela, at Kakki Teodoro.
Nabanggit na ni Alden na one month sila sa Siargao, magtatagal sila roon at tatapusin nila ang series bago bumalik ng Manila.
Siguro naman, nakapag-taping na si Alden ng Stars On The Floor (SOTF) at matagal pang sisimulan ang taping ng medical series niyang Code Gray (CG), kaya makakapag-concentrate siya sa Love, Siargao.
May video na habang nagpi-picture taking, kasama nina Alden at Nadine ang boyfriend ng aktres na si Christophe Bariou.
Sina Rod Marmol at Jade Castro ang dalawang direktor ng series na first time makakatrabaho ng dalawang bida.
Holding hands in public, pero…
JULIANA, TODO-LIKE SA MGA POSTS NI RICCI, BF DEDMA LANG
HINDI pa rin nagpo-post ng photos nilang magkasama sina Juliana Gomez at Ricci Rivero, mababasa lang ang name ni Juliana na nagla-like sa post ni Ricci.
Lahat nga ng post ni Ricci, nila-like ni Juliana, pero si Ricci, hindi nagla-like sa post ng girlfriend.
Hindi naman siguro pag-aawayan ng dalawa na hindi nagla-like si Ricci sa post ni Juliana. Ang importante, sweet sila at laging magka-holding hands sa mga photos na magkasama sila, gaya nang makita silang palabas ng Smart Araneta Coliseum matapos ang game ni Ricci.
Holding hands ang dalawa at pinuri si Juliana nang umatras para makunan ng picture si Ricci ng isang fan na hindi siya kasama. Hindi yata nakilala ng fan kung sino ang kasama ng basketbolista dahil kung alam, isasama nito si Juliana Gomez sa picture-taking. Minsan lang sila makunan ng larawan na magkasama.
TEASER pa lang ng Viva One Originals’ RabGel Anthology ang napanood ng mga fans nina Rabin Angeles at Angela Muji, ramdam na ang saya at excitement. Kung ang mga fans ang masusunod, gusto nilang ngayon na at hindi sa May 15, 2026 ang premiere ng four stories na pagbibidahan ng paborito nilang love team.
“Kilig, chaos, and unforgettable connections,” ang hatid ng Viva One Originals presents RabGel. Ang kaibahan ng four stories, dalawa ang pagbibidahan ng RabGel at sa dalawang stories, iba ang kanilang makakasama.
Tampok sina Rabin at Angela sa mga episode na Ang Rider Kong Hoodlum (ARKH) at
US, Maybe (UM). Sa episode na My CEO Thinks I’m a Robot (MCTIR), bida si Angela at makakasama si Carlo Aquino. Sa episode ni Rabin na Same Day Error (SDE), makakasama niya naman si Jerald Napoles.
Mga comments na, “Eto na, malapit na,” “Excited for my babies anthology,” “Yes na yes! Basta sa RabGel,” “Effective ang pagpaparinig, thank you Viva One,” “Damn, we’re getting 4 RabGel projects,” “Finally, the wait is over,” “OMG! I’m crying,” at “OMG! Nakakakilig agad,” ang ilan sa mga mababasa.
Ready ang mga RabGel fans sa four stories na handog ng Viva One Originals sa kanila. Nangako sila ng suporta sa dalawa pati sa mga episode na hindi magkasama ang RabGel.
Si Ely Buendia pala ang gaganap na Emman sa My Bespren Emman (MBE), na ikinagulat dahil inakalang si Lord ang Emman sa series. Ang description ng role ni Ely ay “Isang misteryosong kaibigan na lilitaw sa buhay ni Mateo. Pero sino nga ba talaga s’ya?”
May mga nagulat na kasama si Ely sa cast at espesyal at importante ang role niya. Naalala nilang minsan nang nagka-pelikula si Ely kasama si Joey de Leon at ngayon, sa telebisyon naman siya aarte.
Sa teaser na ipinalabas ng TV5, kaeksena ni Ely si JM de Guzman at in fairness, okay ang acting nito pati ang pagde-deliver ng dialogues. Gustong malaman ng mga fans kung sino ang nakaisip na i-cast si Ely bilang Emman dahil swak daw.
Pero dahil sa tanong na, “Ano ba talaga ang tunay n’yang pagkatao,” may nag-comment na siguro, isa lang si Ely sa mga magiging mukha ni Emman. Naniniwala pa rin siya na si Jesus Christ ang Emman sa My Bespren Emman.





Comments