top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 24, 2023



ree

Seventeen years na palang Kapamilya star si Gerald Anderson at recently, muli itong nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula ng kanyang career sa Pinoy Big Brother house bilang isa sa mga teen housemates ni Kuya.


Fast forward, sobrang thankful and grateful si Gerald nang muling pumirma ng kontrata kasama ang mga bossing ng ABS-CBN dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ng network, nananatili siyang loyal Kapamilya.


Until now, isa si Gerald sa mga most in demand actors ng ABS-CBN at patuloy pa rin namang tinatangkilik ng mga fans mapa-TV o movies man.


Pero aminado si Gerald na sa tagal na ng ipinanatili niya sa Kapamilya Network at sa dami na ng nagawa niyang TV projects, ‘gutom’ pa rin siya sa paggawa ng magagandang shows at feeling niya, marami pa siyang puwedeng i-offer kung saan maipapakita niya pa ang galing sa pag-arte.


Kaya nga until now, idinadaan lang ni Gerald sa tawa ang mga kantiyaw kung kelan na ba siya magse-settle down at consistent pa rin siya sa pagsasabing “Darating din ‘yan, ‘wag nating madaliin.”


Bagama’t sinasabi naman ni Gerald na ang present girlfriend na si Julia Barretto na ang nakikita niyang ‘the right one’, wala pa rind aw talagang definite na usapan pagdating sa pagpapakasal.


Samantala, inamin naman ni Gerald na naiinip na ang kanyang amang foreigner at hinahanapan na rin daw siya ng apo.


Pero sa ngayon daw talaga, marami pa siyang gustong gawin career wise at gusto pa niyang maka-collaborate ang mga Kapuso stars tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Alden Richards lalo’t naumpisahan na ito sa seryeng Unbreak My Heart.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 2, 2023


ree

May chemistry pala sina Kylie Padilla at Gerald Anderson kahit first time lang nilang nagkasama sa First Summer Metro Manila Film Festival entry ng Mavx Productions na Unravel.


Inamin naman ni Kylie na kinikilig siya kay Gerald na matagal na pala niyang idol, maging ang dating ka-love team nitong si Kim Chiu. Pinapanood pa nga raw ni Kylie ang mga movies noon ng KimErald.


Kaya nu'ng ma-interview namin sila after ng screening ng Unravel na ang kuwento ay tungkol sa mental health issues, tinanong namin si Kylie kung may chance bang ma-fall siya kay Gerald kung single ito.


Natawa lang ang aktres kaya sinalo ni Gerald ang tanong at pabirong sumagot na kami raw ang may chance sa kanya.


Oh, ha? Ang safe ru'n ni Gerald, devah?


Basta watch n'yo na lang ang Unravel sa April 8 para maka-relate kayo sa sinasabi naming malakas ang chemistry nila sa movie na idinirek ni RC delos Reyes at isinulat ni Senedy Que.


Vlogger-businesswoman na si Anna Magkawas,

TV host na rin


ree


Tv host na rin ngayon ang vlogger-social media influencer at businesswoman na si Ms. Anna Magkawas na CEO ng Luxe Beauty and Wellness group.


First time naming na-meet si Ms. Anna last Friday nang ipakilala siya ng Makers Mind Media Production team ni Mr. Gerry "Mr. Freeze" Santos bilang segment host ng Negosyo Goals na napapanood sa AllTV tuwing Linggo, 11:30 AM.


Maraming nagsabing look-alike ni Maja Salvador si Anna at ang aktres din pala ang idol ng businesswoman-turned TV host.


Hindi makapaniwala si Anna na napili siya ni Ms. Ivy Ataya (CEO ng Makers Mind Media Production) na maging segment host ng Negosyo Goals dahil dati ay sa TikTok lang daw siya nagsasalita at sa kanyang YouTube vlog, pero ngayon, mapapanood na rin siya sa show hosted by Mr. Gerry Santos.


Bilang parehong negosyante, na-feel daw ni Sir Gerry na swak sila ni Ms. Anna, bukod sa nakita raw niya ang pagiging totoong tao nito at napakanatural. Na-inspire rin daw siya sa success story ni Anna kaya naisip niyang isama sa Negosyo Goals na ang layunin nga ay makapagbigay-inspirasyon sa marami na magtayo ng negosyong magpapaunlad sa kanilang buhay.


Tinanong namin si Ms. Anna kung willing ba siya sakaling may mag-offer na i-feature ang life story niya sa TV, pero aniya, hindi pa siya handa sa ngayon dahil feeling niya, 'di pa niya naaabot ang peak ng tagumpay, although unti-unti na rin niyang naaabot ang kanyang mga pangarap.


Ang mga negosyanteng sina Small Laude at Alice Eduardo naman ang dream niyang mai-guest sana sa kanyang segment na Ka-Negosyo with Anna dahil alam niyang maraming mai-impart ang dalawa tungkol sa kanilang success story.


So, tutukan lang every Sunday, 11:30 AM ang Negosyo Goals sa AllTV nang makakuha ng mga tips kung paano nga ba magiging matagumpay na negosyante.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 14, 2022


ree

Hindi nakaligtas sa mga miyembro ng ‘basag-kotse’ gang ang sasakyan ng aktor na si Gerald Anderson matapos pagnakawan ang kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Quezon City, kahapon.


Naganap ang krimen sa Roces Avenue, ayon sa National Bureau of Investigation(NBI).


Batay sa footage ng CCTV, makikitang may dalawang motorsiklo na dumating malapit sa SUV na naka-park sa harap ng isang establisimyento lampas alas-singko ng hapon.


Sinilip nito ang bintana ng itim na SUV saka binasag ang kaliwang bintana at kinuha ang isang bag.


Matapos nito ay sumakay na ang suspek sa motor, ngunit bumalik pa ito at kinuha pa ang isang bag sa unahang upuan ng sasakyan.


Kaagad na tumakas ang dalawa na sinusundan ng isa ring lalaking lulan ng motorsiklo.

Sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI SAU), natunton ang isa sa mga suspek.


"Sa aming pag-iimbestiga, naka-receive kami ng information na 'yung mga motor na ginamit ay na-identify sa isang Tondo-based na basag kotse group. Nagkaroon kami ng surveillance and casing operations hanggang natunton namin 'yung bahay ng isa sa mga napuntahan ng gamit ni Gerald Anderson," ani NBI SAU Executive Officer Attorney Kristine dela Cruz.


Sumuko sa NBI SAU ang suspek na si John Allen Dancel alias Elong na umaming siya ang bumasag sa salamin ng SUV at tumangay sa mga gamit ng aktor.


Narekober ng mga awtoridad sa suspek ang isang mamahaling bag, dalawang relos at mga gadgets ngunit hindi pa narerekober ang isang wallet, mga ID, at pasaporte.


Hindi umano sinadya ng mga suspek na sasakyan ni Anderson ang kanilang pupuntiryahin.


"Naghahanap po kami ng madidiskartehan ng pera. Hindi po namin sadya na makita 'yung sasakyan ni sir Gerald Anderson po. Ta's noong sinilip ko po, may laman po 'yon. Kinuha ko po," kuwento ng suspek sa isang panayam.


Ayon naman sa NBI SAU, dati nang sangkot sa robbery ang grupo ng suspek.

"Itong mga taong ito ay may mga previous cases. Nakulong na rin sila dati at may mga pending cases for the same modus, robbery," ani dela Cruz.


Nagpasalamat naman si Anderson sa mga awtoridad.


"Gusto ko pong gamitin ang pagkakataon na ito para magpasalamat po sa NBI lalo na po Special Action Unit. Sobrang salamat po sa dedication, sa perseverance at patience para ho mahanap natin po 'yung mga gumawa ng krimen na ito sa basag kotse na ginawa po sa aking sasakyan," aniya.


Nasa kustodiya na ng NBI si Dancel at nahaharap sa kaukulang kaso habang patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page