Itinodo na lahat, para may bago… CHRISTINE, NAKIPAGTIKIMAN SA KAPWA AKTRES
- BULGAR
- Aug 7, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 7, 2022

Matapos ang mahusay niyang pagganap sa Scorpio Nights 3 movie ay may bago na namang pelikulang pinagbibidahan si Christine Bermas, ang sexy romance-thriller na Lampas Langit.
Kasama naman niya rito sina Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo mula sa direksiyon ni Jeffrey Hidalgo.
Sa digital mediacon na ginanap para sa pelikula ay natanong si Christine kung may itotodo pa raw ba siya sa Lampas Langit pagkatapos niyang ibigay ang lahat-lahat sa Scorpio Nights 3.
Inamin naman ni Christine na naipakita na niya talaga ang lahat sa Scorpio Nights 3 pagdating sa pagpapa-sexy kaya hanggang dito na lang daw siya talaga.
Ang gusto naman daw niyang makita ng mga tao sa mga susunod niyang pelikula ay ang kanyang pag-arte.
Aniya, gusto na talaga niyang gumradweyt sa pagpapa-sexy at paggawa ng mga matitinding intimate scenes. Kaya nga raw dito sa Lampas Langit ay hindi na ganu’n ka-wild ang kanyang mga love scenes.
Pero ang bago raw na makikita sa kanya sa Lampas Langit ay ang girl-to-girl love scene nila ni Chloe.
“First time ko siyang ginawa talaga at parang nailang talaga kami ni Chloe sa isa’t isa,” natatawang sabi ni Christine.
Mapapanood na sa August 19 ang Lampas Langit sa Vivamax.
Comments