top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Itinalaga ba ni P-Duterte si Roque bilang spokesman para tarayan ang publiko?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 6, 2021



IMBES NA IBIDA ANG METRO MANILA SUBWAY, TINARAYAN NI ROQUE ANG MGA KRITIKO NG DUTERTE GOV’T.—Dumating na sa bansa ang bahagi ng tunnel boring machine na gagamitin sa paggawa ng Metro Manila subway na uumpisahang gawin next year (2022) at matatapos sa 2026, at imbes na ibida ito ni Presidential spokesman Harry Roque sa publiko, aba’y nang-away at sinabihan lang nito ang mga kritiko ng Duterte administration nang “manigas kayong lahat.”


Itinalaga ba ni P-Duterte si Roque bilang kanyang spokesman para tarayan ang publiko? Boom!


◘◘◘


IMBES NA MAGPOKUS SA SOLUSYON SA MGA PROBLEMA NG BAYAN AT MAMAMAYAN, HINALUAN PA NG PULITIKA USAPAN SA MALACAÑANG—Nagpatawag ng Cabinet meeting si P-Duterte noong Miyerkules, at isa raw sa napag-usapan ay ang pagtakbong senador ng siyam na miyembro ng Gabinete ng gobyernong Duterte.


Pambihira, imbes na mag-pokus muna kung paano lulutasin ang maraming problema ng bayan at mamamayan, eh, hinahaluan ng pulitika ang usapan sa Malacañang, buwisit!


◘◘◘


SINONG AFP OFFICIAL ANG NAGSABI NG “SHUT UP” SA MANGINGISDANG PINOY NA BINULLY NG CHINA?—Sabi ng mangingisdang si Larry Hugo, pinagsabihan daw siya ng AFP (Armed Forces of the Philippines) nang “shut-up” tungkol sa pag-interbyu sa kanya ng media na may kaugnayan sa pinost niya sa social media sa pagtaboy sa kanila ng Chinese Coast Guard (CCG) na mangisda sa dagat na sakop ng Pilipinas.


Kung sinuman sa mga opisyal ng AFP na nagsabi nang ganyan kay Hugo, hindi pala maka-Pilipino ‘yun, kundi maka-Chinese, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page