Itatago na lang daw muna… XIAN, AAMIN LANG NA KASAL NA SILA NI KIM 'PAG READY NA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 19, 2022

“I don’t see myself getting married soon,” ang sinabi ni Xian Lim sa panayam sa kanya ng Updated with Nelson Canlas podcast.
“But ang dami kasing nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?’ Yes, of course, I do. But ‘etong topic na ito - marriage, I think ‘di siya minamadali,” patuloy niya.
Sa dami nga ng nagtatanong, wala na rin daw siyang maisagot.
“Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko na lang talaga 'yung sagot ko. Sometimes, I say ‘Ah, siguro, mga 60 years old, 70, 80. It’s because I’m just playing around. I’m playing around with the answers,” sey niya.
Sa tsikang kasal na sila kaya hindi sila nagmamadali, ayon sa Kapuso actor ay wala itong katotohanan.
“Kung ganu’n man, 'pag nangyari ‘yun, we’re an open book. We also love talking about our relationship. Darating tayo diyan. Ako naman, one thing certain is seryoso akong tao, and mahal na mahal namin ang isa’t isa,” he said.
Kung sakali man daw, siguro sa una ay itatago muna nila at kung ready na silang i-reveal ay saka nila ia-announce. Pero right now ay wala pa raw talaga.
“The time comes, maybe I don’t know, maybe itatago muna namin then when we’re ready, we will announce it just like our relationship noong nagsisimula kami,” sey ng aktor.





Comments