It's Showtime, natanggal dahil sa Eat… Bulaga! VICE, UMAMING SUMAMA ANG LOOB SA TV5 PERO HINDI SA TVJ
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 13, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin
“The Queen of All Networks!”
Ito ang titulong ibinigay ni MVP Group Chairman Manny V. Pangilinan sa nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda kasabay ng pagpirma kahapon ng It's Showtime host ng kontrata para sa partnership nila ng MediaQuest Holdings, Inc..
Ginanap ang monumental alliance sa pagitan ng dalawang panig sa Lighthouse, Meralco Building sa Ortigas Avenue, Pasig City kung saan present din sina Slingshot Studios Head for Partnerships, People and Business Development Ranvel Rufino and MediaQuest Holdings President and CEO Victorico P. Vargas.
Bagama't kinilig, aminado si Vice na may kaakibat na responsibilidad ang naturang titulong ibinigay sa kanya.
Pero lubos siyang nagpapasalamat kay MVP sa malaking tiwalang ibinigay sa kanya para maging partner sa paghahatid ng mga kakaibang contents na hindi tulad ng mga ginagawa na niya sa ABS-CBN.
Pinuri rin ni MVP si Vice na may exceptional talent at “gift to Filipino people” dahil sa entertainment na dala nito sa marami.
Kaya naman, sa kanilang partnership, binigyan si Vice ng kalayaan na mag-isip ng mga concepts para sa mga shows at contents na kanyang gagawin na mapapanood sa TV5 at iba pang platforms ng Kapatid Network.
Kaya soon, hindi na lang sa ABS-CBN at GMA-7 (through It's Showtime) mapapanood si Meme Vice kundi maging sa TV5 nga.
Pag-amin ni Vice Ganda nang makapanayam ng entertainment press, matagal na ang naging alok sa kanyang partnership ni MVP.
Actually, mga 2 months after mawala ang kanilang It's Showtime sa TV5 noon, na napalitan nga dahil sa pagpasok ng kalaban nilang noontime show na Eat… Bulaga!, nagkaroon na raw ng offer si MVP.
Pero dahil siyempre, sumama raw ang loob niya noong mawala nga sila sa noontime slot ng TV5, natagalan bago niya tinanggap ang offer na mag-partner na nga sila.
Ang katwiran naman ni Vice ngayon, kailangan nilang magtulungan para sa ikabubuti ng TV industry, kaya napag-isip-isip niyang magandang opportunity ito, lalo na't recently ay may mga pinagdaanan din daw siya, at siyempre, gusto pa rin niyang i-challenge ang sarili at may patunayan.
Ayaw daw niyang maging kampante lang, gusto niyang ilabas pa ang kanyang ibang potential na makakatulong din sa industriya.
Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Vice Ganda ang mga shows at contents na gagawin niya para sa TV5, pero tiniyak nga niyang kakaiba ito sa mga napapanood na sa kanya sa ABS-CBN.
Samantala, dahil nabanggit ni Vice na sumama ang loob niya sa TV5 noon, tinanong na rin namin siya kung sumama rin ba ang loob niya sa TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon) dahil nga nawala ang It's Showtime at napalitan ng Eat…Bulaga! sa noontime slot.
Sagot ni Vice, “Wala akong sama ng loob sa TVJ, ha? Wala akong sama ng loob. Parang TVJ has nothing to do with it. Wala naman akong relationship o deal with them, eh. ‘Di naman kami nagkatrabaho together so hindi naman sila ‘yung nakasakit sa akin. Wala naman silang obligasyon sa akin and TVJ is just doing their job as well as entertainers.”
So, klaro, ha?!
No wonder, heto nga't magsasama sina Meme Vice at Bossing Vic sa MMFF entry na The Greatest Showdown na mapapanood na sa December 25 sa mga sinehan.
Kaya lang, mukhang malabong mangyari na makitang magpo-promote si Vice ng movie nila ni Bossing Vic sa Eat… Bulaga!, habang si Bossing naman ay lalabas sa It's Showtime dahil sabi nga ni Vice, kahit iconic sana ang moment na ‘yun, gusto niyang ibigay ang respeto sa mga TV networks dahil tapatan nga ang dalawang noontime shows.
Pero come to think of it, hindi ba't parehong makikinabang ang dalawang networks kapag nangyari ‘yan dahil for sure, aabangan ng madlang pipol at mga dabarkads ang pagkakataong ‘yan!
Well, malayo pa naman, so let's just keep our fingers crossed.





Comments