- BULGAR
It's Showtime host, haping-hapi… PIA, TINAWAG NA 'QUEEN' SI ANNE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 30, 2022

May bagong uploaded photo si Anne Curtis na hinangaan nang sobra ng mga netizens.
As usual, viral ang stunning photo ng Fil-Am actress-TV host. Hindi lang mga netizens ang nakapansin sa lovely photo ni Anne kundi maging ang mga kapwa niya celebrities.
Maging si Miss U 2015 Pia Wurtzbach ay nag-iwan ng komento na "queen" sa comment section ng IG account ng It's Showtime host.
Natuwa naman si Anne at agad na reply sa beauty queen, "@piawurtzbach Thank you Pia!! Nakaka-happy coming from a Queen herself."
"Perfect! Sooo much. Love you," ayon naman sa isang netizen.
Hindi talaga maitatanggi na may kakaibang beauty si Anne. Kahit anong iayos sa kanyang buhok o mukha ay kayang i-project ng nanay na ngayong aktres-TV host.
Kahit nga si Vice Ganda ay hindi maitangging maganda ang kanyang "sister." Lamang lang daw ito sa kanya ng isang paligo.
Ganern?! Hehe!