Lalaban daw kahit kulang na sa dugo… ATE GAY, AYAW PANG SUMUNOD KAY DAX MARTIN

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 12, 2026

Photo: FB Gil Aducal Morales & Dax Martin II
“Ayaw kong sabihin na mami-miss kita, Diyos ko! Ayoko pa, Dax. Lalaban pa ako. Kantahan mo sila r’yan nang bongga,” mensahe ng komedyanteng si Ate Gay para sa kanyang namayapang matalik na kaibigang singer na si Dax Martin II.
Sa social media, binalikan ni Ate Gay ang masasayang alaala at biruan nila ni Dax.
Ani Ate Gay, “‘Di ka naman maganda, Dai. Hahaha!’ ‘Yan ang lagi kong PM (personal message) kay Dax, tapos sasagot s’ya ng ‘Ahhh, ganu’n ba?’ Hahanapan n’ya ngayon ng picture ko at sasabihin, ‘Eto ba maganda?’ Hahahaha! Love you, Dax Martin II.”
Samantala, ibinahagi rin ni Ate Gay na nagpasalin siya ng dalawang bag ng dugo sa Asian Hospital dahil mababa ang kanyang hemoglobin. Sa kanyang post, nagpasalamat siya sa Diyos dahil normal na ang kanyang blood count.
Aniya, “Kanina, nagpasalin ako ng 2 bags na blood sa Asian. Mababa kasi ang hemoglobin ko. Ahhhh, basta mababa ang dugo ko. Now, normal na. Thank you, Lord Jesus.”
Amen to that, Ate Gay. May you rest in peace, Dax.
NOV. 21, NATIONAL TV DAY ACT, INIHAIN NI SEN. ROBIN
INIHAIN ni Sen. Robin Padilla ang Senate Bill No. 2524 o ang National Television Day Act na naglalayong itakda ang Nobyembre 21 bilang taunang pagdiriwang na kumikilala sa kahalagahan ng telebisyon sa bansa.
Ayon kay Sen. Robin, mahalaga pa rin ang telebisyon at audiovisual media sa pagbibigay ng impormasyon, edukasyon at libangan, gayundin sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa kabila ng pagbabago ng teknolohiya at paraan ng panonood.
Well, big tumpak ka r’yan, Sen. Robin.
Samantala, nagbahagi naman ng birthday message ang misis ni Sen. Robin na si Mariel Rodriguez-Padilla para sa kapatid ng aktor na si Dr. Rowena Padilla-Evangelista.
Ani Mariel, “Happy birthday to one of my favorite human beings, Ate Rowena! I always, always, always have the most fun with you. Love you so much! I am just here by your side, behind you, and with you all the way because you deserve no less. Happiest birthday, Ate Rowena!”
Anyway, happy birthday sa dearest sister ni Sen. Robin na si Dr. Rowena Padilla-Evangelista.
SWEET birthday message ang ibinahagi ng aktor na si Rayver Cruz para sa kuya niyang si Rodjun Cruz.
Sa Instagram (IG) post ni Rayver ay nagbahagi siya ng larawan nilang magkapatid.
Ani Rayver, “Happy, happy birthday, my King Champion! My idol! Love you, bro. The best ka, Duke. See you sa pagbalik ko. Enjoy, Kuya RJ! Pickleball champ king!”
Sagot naman ni Rodjun sa birthday greeting ni Rayver, “Awww! Thank you, brother King!
“I love you so much! Na-appreciate kita. Enjoy ka r’yan sa Las Vegas! See you. Celebrate pa rin tayo pagbalik mo. Always proud of you! Mwah! Cheers!”
In fairness sa mga Cruz, sweet talaga, gaya na lang ni Sheryl Cruz.





Comments