top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

WILL, TODO-PAPOGI KAY BIANCA PERO KAY MIKA NANLIGAW

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

by Lucille Galon @Special Article | October 12, 2026



SPECIAL ARTICLE - WILL, TODO-PAPOGI KAY BIANCA PERO KAY MIKA NANLIGAW_IG _mikslmnc & _biancadeveraa

Photo: IG _mikslmnc & _biancadeveraa



Ibinulgar ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) Big Winner-vlogger na si Mika Salamanca na nililigawan pa lang siya ng aktor na si Will Ashley.


“Pagkalabas namin ng PBB, si Will talaga, nanligaw na. Parang ayaw n’ya talaga na mawala ang connection namin,” kuwento ni Mika.


Nagulat naman si Mika sa mabilis na panliligaw ng aktor dahil pareho silang may trabaho at ibang priorities sa buhay.


“‘Meron kang trabaho, meron akong trabaho. Meron tayong ibang priorities sa buhay,’” sabi raw ni Mika kay Will.


Pero determinado si Will na bigyan siya ng pagkakataon ni Mika.


“‘Bigyan mo lang ako ng chance, isang buwan lang. ‘Pag ‘di mo nagustuhan ‘yung treatment ko sa ‘yo, ‘yung panliligaw ko sa ‘yo, bastedin mo ‘ko,’” hamon daw ni Will.


Noong nakaraang taon, nag-guest ang aktor sa vlog, kung saan inamin niyang si Mika ang type niya sa mga babaeng housemates sa Bahay ni Kuya.


Matatandaang sa boys’ night out ng mga PBBCCE housemates, tinanong si Will kung kanino siya mai-in love sa mga female housemates. Ang sagot niya, si Bianca de Vera. 


Pero ayon sa latest vlog, since day 1 pa lang ay may gusto na siya kay Mika, kaya nang matapos ang programa ay niligawan niya agad ito.


Hmmm… Eh, bakit nu’ng lasing na siya, kinausap niya si Bianca sa loob ng Bahay ni Kuya at sinabing “I want to be there for you” at “I want to comfort you”? 

Ayun, todo-asa tuloy ang mga fans nila. 


At eto pa, same night ay kinausap niya rin pala si Mika. Kinabahan pa nga ang vlogger dahil baka umamin na ito na may gusto sa kanya.


Samantala, aminado naman si Mika na nakaramdam siya ng pressure noong una habang katrabaho si Will Ashley sa kanilang upcoming project na Delivery Boi.


Sa media conference ng GMA Afternoon Prime series nitong Biyernes, sinabi ng Sparkle star na medyo na-intimidate siya kay Will na nanalo kamakailan ng Urian Award for Best Supporting Actor.


Pero ayon kay Mika, napakadaling katrabaho ng aktor at naging komportable siya sa set, lalo na kapag magkasama silang nagsu-shoot ng mga eksena.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page