It's a tie! CARLA AT TOM, NEVER NANG BABALIKAN ANG ISA'T ISA
ni Nitz Miralles - @Bida | November 11, 2022

Na-interview ni Luis Manzano sa kanyang YouTube vlog si Carla Abellana at isa sa mga naitanong ni Luis sa Kapuso actress ay tungkol sa “past.”
Ang tanong ni Luis, kung makakabalik si Carla sa kanyang past, ano ang kanyang babaguhin?
“Siguro, hindi na lang mag-showbiz,” ang sagot ni Carla na binawi rin niya dahil nagbibiro lang daw siya.
Nabanggit ni Carla na minsan, naisip niya ang mga nangyari sa kanyang past, pero paglilinaw nito, wala siyang gustong balikan sa kanyang nakaraan.
“There are many times talaga in the past na gusto mong balikan, tapos iibahin mo ‘yung choice mo that time or ‘yung decisions mo, pero siguro, parang hindi, eh, because in a way, kapag sinabi mong gusto mong bumalik doon para baguhin or what, parang tuloy hindi ka pa nakakabitaw from your past or whatever that moment is. So, parang wala naman, wala naman akong babalikan para palitan or ibahin, wala naman.
“Whatever happened, meant to be ‘yun. Lahat parang orchestrated na. It’s just a matter of how you live out those moments or how you react to those moments,” patuloy ni Carla.
Nai-share rin ni Carla sa interview ni Luis ang ilan sa mga natutunan niya sa mga pinagdaanan sa buhay.
“One day at a time. Wala tayong magagawa, that’s part of life, hindi laging masaya, hindi laging tumatawa or nakangiti na whether you are alone with life or with somebody, and a complete family, may times na things happen and wala tayong magagawa kundi tanggapin ‘yun and there are certain things or people that we cannot change. Siguro, ‘yung how you react to it na lang.”
Malulungkot ang TomCar fans nila ni Tom Rodriguez sa sinabi ni Carla na wala na siyang gustong balikan sa kanyang nakaraan.
Sabagay, ganu’n din naman ang sinabi ni Tom, mag-move on na para sa ikatatahimik ng lahat.
Samantala, malapit nang muling mapanood nang regular sa telebisyon si Carla dahil kasama siya sa cast ng Voltes V: Legacy bilang si Mary Ann Armstrong.
Sa February 2023 na raw ang airing ng live adaptation ng Japanese anime series.





Comments