It’s a boy! PANGANGANAK NI ALEX, KINUMPIRMA NI MOMMY PINTY
- BULGAR

- 23 minutes ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 29, 2026

Photo: IG _cathygonzaga & _mommypinty
Kumpirmadong nadagdagan na ang pamilya Gonzaga matapos isilang ni Alex ang kanyang unang anak na lalaki.
Kinumpirma mismo ng ina ng aktres na si Crisanta ‘Mommy Pinty’ Gonzaga ang masayang balita, matapos ang ilang araw na espekulasyon online tungkol sa pagbubuntis ni Alex.
Lalo pang naging usap-usapan ang aktres matapos niyang magbahagi ng ilang maternity posts sa kanyang social media accounts.
Sa ngayon, wala pa namang inilalabas na karagdagang detalye ang pamilya Gonzaga tungkol sa panganganak ni Alex, kabilang ang eksaktong oras ng delivery at pangalan ng kanilang bagong silang na anak.
Samantala, masayang binabati ng mga tagahanga ang pagdating ng bagong miyembro ng pamilya, habang hinihintay ang iba pang detalye mula kay Alex at sa asawa nitong si Lipa Vice-Mayor Mikee Morada.
PERSONAL na binisita ng aktor na si Niño Muhlach sa ospital si Nicolas Villanueva, ang biktima na sugatan sa aksidenteng kinasangkutan niya noong Agosto 23 matapos siyang makatulog habang nagmamaneho.
Layunin umano ng aktor na personal na kumustahin ang kondisyon ni Nicolas at humingi ng paumanhin sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Niño ang latest update tungkol sa kondisyon ni Nicolas.
“I just personally visited Nicolas Villanueva sa ospital to check on his condition. S’ya ‘yung aking natamaan sa aksidente na nangyari,” aniya.
Ayon kay Niño, malaki ang kanyang pasasalamat dahil mas bumuti na ang kalagayan ni Nicolas at patuloy na itong nagpapagaling.
“I am relieved and grateful to share that he is doing much better and is now on the road to a full recovery,” ani Niño.
Nilinaw din ni Niño na walang nabaling buto kay Nicolas. Aniya, nagtamo lamang ito ng mga pasa at sugat sa mga binti.
“To clear up any concerns, wala naman po s’yang bali. He sustained bruises and cuts on his legs, but the hospital is taking great care of him,” ani Niño.
Samantala, sinabi ni Niño na personal siyang humingi ng paumanhin kay Nicolas at sa pamilya nito at tiniyak na hindi niya sila pababayaan.
“I went there to personally apologize to Nicolas and his family. Sinabi ko sa kanya na ‘di ko naman s’ya pababayaan,” aniya.
Ipinahayag din ng aktor na pananagutan niya nang buo ang nangyaring insidente.
“I take full accountability for this incident because it was my fault. Thank you so much to everyone who reached out with care and concern,” dagdag ni Niño.





Comments