top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Isusulong ang Duterte-Duterte tandem, abangan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 02, 2021



Inabiso na ang rotational brownout.


Paktaylo!


◘◘◘


KAAWA-AWA naman ang mga paslit at sanggol sa panahon ng brownout.


Marami ang magkakasakit at magkakamatay!


◘◘◘


SA slum area, mapupuwersang lumabas nang bahay ang mga tao ‘pag walang elektrisidad.


Delikadong maaresto sila!


◘◘◘


Kunsabagay, ‘pag maalinsangan at walang aircon at electric fan, tiyak na tepok ang anumang virus.


Pero, madadale naman ng pneumonia dahil sa pawis na natuyo sa likuran!


◘◘◘


MATAGAL nang ibinababala ang kakapusan ng power supply.


Pero, dedma lang ang nasa gobyerno!


◘◘◘


ISINUSULONG ang Duterte-Duterte tandem.


Sepsep!


◘◘◘


NAKABABALIW talaga ang sobrang kapangyarihan.


Kapag gahaman sa poder, hindi na nila alam ang tama at mali!


◘◘◘


ISANG kapahamakan ang naghihintay sa mga sakim sa kapangyarihan.


Dapat mapagpakumbaba at praktikal ang mga nakatikim na ng wagas na kapangyarihan!


◘◘◘


DAPAT matuto sa kasaysayan ang Pamilya Duterte.


Napakasarap nang makatikim ng graceful exit!


◘◘◘


HINDI dapat nagpapabuyo sa mga sepsep na amuyong ang Pamilya Duterte.


Dapat maunawaan ni P-Digong na tsamba lang ang kanyang panalo sa huling presidential election!


◘◘◘


ANG mga kalaban ni P-Digong ay naghihintay lang ng kanyang pagkakamali.


At nakaumang ang blunder na inilalatag mismo ng mga sepsep!


◘◘◘


IMBES na ayusin ang rotational brownout ng Energy secretary, pagsisepsep kay P-Digong ang kanyang inaatupag.


Pulitiko ang nangangasiwa sa energy sector imbes na teknokrat!


◘◘◘


NAIIPIT sa kumunoy si Sen. Manny Pacquiao.


Kailangan ni Pacquaio ang payo ng wagas na kaibigan at miyembro ng kanyang pamilya!


◘◘◘


MARAMING nakapaligid kay Pacquiao dahil sa iisang dahilan.


Sanrekwa ang kanyang salapi kaya’t naglalaway ang mga amuyong.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


NAHAHAWA na rin ang tao sa bird flu.


Ito ay panibagong ambag ng China sa pandemonyo!


◘◘◘


DAHIL sa bird flu na nagmula sa China, hindi malayong malipol na rin ang mga manok.


Ibig sabihin, matutulad ang kapalaran ng mga manok sa sinapit ng mga minasaker sa baboy sanhi ng ASF!


◘◘◘


GUSTO ni US President Joe Biden na makaharap si P-Digong.


Hindi kaya imbes na murahin siya ay “duraan” naman?


◘◘◘


HUWAG ka, iniaandot ng US ang 80 million doses ng COVID vaccine na kanyang ipamimigay.


Puwede, arborin ito ni P-Digong kapalit ng VFA renewal.


Mautak talaga!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page