ni Angela Fernando - Trainee @News | February 19, 2024
Mariing kinondena at ikinagalit ng Israel ang sinabi ng Brazilian President na si Luiz Inacio Lula da Silva na sila'y may planong genocide laban sa mamamayan ng Gaza.
Matapang itong ikinumpara ng Brazilian Pres. sa kampanya ni Adolf Hitler na ubusin ang mga Hudyo.
Sinabi rin ng presidenteng hindi giyera ang nangyayari sa pagitan ng Israel-Gaza kundi karahasan laban sa mga walang labang kababaihan at kabataan.
Ito ay ipinahayag ng presidente sa dinaluhang African Union Summit.
Matapos ang nasabing pahayag, nakatakdang ipatawag ang kanilang Brazil ambassador ng Israeli Foreign Minister na si Israel Katz upang pag-usapan ang sinabi ng presidente ng Brazil.
Comments