Isko at Paolo, to the rescue… FB AT YOUTUBE NG BAGONG EB!, IPINATANGGAL
ni Nitz Miralles @Bida | June 22, 2023

Nakahanap na ng solusyon ang bagong Eat… Bulaga! nang ma-take down ang kanilang Facebook at YouTube accounts dahil sa pagre-report ng mga detractors sa mga administrators ng dalawang naturang social media platforms.
Naunang nawala ang YouTube channel ng EB! at sumunod naman ang Facebook page nila, kaya hindi na umere ang nasabing noontime show sa dalawang platforms.
Pero, noong June 20, pansamantalang napanood sa mga FB pages ng dalawa sa mga hosts ng bagong EB! na sina Paolo Contis at Isko Moreno ang online streaming ng nasabing noontime show.
Ipinahiram nina Paolo at Isko ang kanilang mga official pages sa FB sa bagong EB!.
Sabi ni Paolo, “Hindi po kami hihinto sa pag-try na magkaroon ng Facebook page na ‘yan. Report lang kayo nang report, post lang kami nang post! Hanggang sa mapagod kayong mag-report.”
Tiyak na matatanong pa si Paolo tungkol sa isyung ito dahil bukas, may mediacon at premiere night ang pelikula niyang Ang Pangarap Kong Oskars ng Mavx Productions na mula sa direction ni Jules Katanyag.





Comments