top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Iskedyul ng Eala vs. Stoiana inatras sa Miyerkules Set. 2

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 30, 2026



Iskedyul ng Eala vs. Stoiana inatras sa Miyerkules Set. 2

Photo: Circulated



Naatras ang inaabangang first round match nina No.17th seed Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala kontra sa beteranong collegiate champion na si Mary Stoiana ng US sa Miyerkules ng umaga sa Louis Armstrong Stadium sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York City.


Gaganapin ang unang hambalos sa ganap na alas-8:40 ng umaga (oras sa Pilipinas) para sa huling banatan sa first round, kung saan masisilayan din ang paluan nina Mirra Andreeva at Indonesian Janice Tjen sa alas-12:40 ng madaling araw sa Louis Armstrong at nina Zeynep Sonmez ng Turkey kontra fourth seed Coco Gauff ng US sa alas-7:00 ng umaga sa Arthur Ashe Stadium.


Huling beses nagtapat sina Eala at Stoiana makalipas ang mahigit dalawang taon sa W100 Landsville Koser Jewelers Tennis Challenge na nagtapos sa 7-5, 6-2 pabor sa 21-anyos na Pinay lefty noong Agosto, 2024, kung saan nakalista lamang ito sa 147 place sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.


Sa muling pagtatapat, tangan ni Eala ang pagiging World No.18, habang ang 23-anyos na tubong Southbury, Connecticut ay nasa pinakamataas nitong tuntong sa World No. 122, na binitbit sa kauna-unahang NCAA Championship ang Texas A&M Aggies noong 2024 at ginawaran bilang Most Valuable Player.


Makalipas ang mahigit dalawang taong hindi pagtatagpo sa laro, unti-unting iniangat at trinabaho ng 5-foot-9 na tubong Quezon City ang kanyang karera patungo sa kasalukuyang posisyon sa pagiging two-time WTA 125 titlist at unang WTA 500 Mubadala DC Citi Open at dalawang seedings sa Grand Slam tournaments, habang kinilala namang SEC Player of the Year, ITA National Player of the Year, at Honda Sports Award, gayundin ang pagiging All-American sa singles at doubles si Stoiana. (Gerard Arce)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page