Isinusuka sa pagiging unprofessional… MARK, TUMANGGAP NA NG 50% DOWNPAYMENT NG TF, FIESTA SA NUEVA ECIJA, ‘DI SINIPOT
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 26, 2026

Photo: IG Mark Herras
Mukhang minarkahan na si Mark Herras ng mga taga-Barangay Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija dahil hindi niya sinipot ang town fiesta nila kamakailan kahit nakuha na niya ang 50% downpayment ng talent fee (TF) niya.
Base sa report nina Ogie Diaz at Mama Loi sa online show nilang Showbiz Update kasama sina Ate Mrena, Tamerlane Mopia at Oliver Carnay ay may taong nag-reach out sa kanila para i-report ang aktor-mananayaw.
“Binook daw nila si Mark Herras para sa isang event sa Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija. Apparently, no show s’ya, ‘di s’ya nagpunta!” sabi ni Mama Loi base sa binasang mensahe sa kanya.
Reaksiyon ni Ogie, “Oh, my God!”
Sabi pa ni Mama Loi, “May commitment pa raw si Mark sa grand parade.”
Ipinakita sa Showbiz Update ang post ng taga-Barangay Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija na larawan ni Mark at excited silang makita ang aktor-dancer para sa Barangay Fiesta 2026.
Binanggit din ang iconic tagline na “Dream, Believe, Survive” para sa reality show na StarStruck ng GMA noon.
Aniya, “Super dami raw tao ang nag-abang sa kanya. Kaya nagalit na ‘yung buong barangay council nu’ng Nieves, San Leonardo kasi nga walang reply. Super-dami ng tawag pero ‘di nag-a-update si Mark. Limang oras daw silang naghintay pero walang dumating na Mark Herras. Nakapag-downpayment na raw kay Mark Herras.
“Tapos ‘yung promoter, sa kakakulit n’ya, binlock na raw ‘yung kanyang Facebook, Viber at saka ‘yung Messenger ni Mark Herras at nasira raw ‘yung production number nila dahil sa kanyang ‘di pagdating. S’yempre, nakaayos na ‘yung program.”
Sa galit ng Sanggunian, ang booker na kumontak kay Mark ang kakasuhan dahil siya ang responsable sa hindi pagsipot ng aktor at mananayaw.
Sabi ni Ogie, “Kasi s’ya (booker) ang nakapirma sa kontrata, ganu’n talaga ‘yun.”
Hirit naman ni Oliver, “Baka naman ‘di maliwanag ‘yung usapan nila?”
“‘Pag nakapag-down na, dapat itong siputin ni Mark. ‘Di maganda ‘yan na nang-iindiyan ka ng natanguan mong commitment at nabayaran ka ng kalahati,” diin ni Ogie.
“Totoo, ‘Nay, napakaimportante talaga ng downpayment kasi sealed na ‘yung kontrata. ‘Di ba nga, may mga talents na nagmamadaling kunin ang downpayment para ma-block-off na nila ‘yung date na ‘yun sa calendar activities nila,” paliwanag ni Mama Loi.
“Kaya Mark, ano bang masasabi mo rito? Kailangang masagot n’ya ito. Pipilitin natin s’yang makausap at itine-text ko rin si Mark, dedma pero try pa rin natin,” panawagan ni Ogie.
Pinayuhan din ni Ogie ang booker na kailangang maayos ito dahil malaking problema ito at baka hindi na siya makaulit. Hindi raw problema ng kapitan ng Barangay Nieves si Mark kundi ng booker dahil dapat ay siya ang nagpasipot sa aktor-dancer.
Sabi pa ng content creator, “Mark, dapat ‘di ganu’n kasi ilan na rin ‘yung nababalitaan nating unprofessional si Mark. ‘Pag natanguan mo at nakuha mo ang downpayment, dapat siputin mo.”
Bukas ang BULGAR sa panig ni Mark Herras.




Comments