top of page

Isinumbong daw ni Sofia kay Kathryn… GILLIAN, KUMANTA KAY SUE NA 'DYUTAY' SI DANIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 2, 2023




Umamin na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila, pero bitin pa rin ang mga Marites at pilit na inaalam ang totoong dahilan kung bakit after 11 yrs. ay sa hiwalayan din nauwi ang hottest love team na KathNiel.


Well, kahit nga obviously ay nagpaka-safe sina Kathryn at Daniel sa kanilang inilabas na official statement na 'chapter closed' na sa kanilang relasyon, kalat na kalat ngayon sa social media ang kuwento kung bakit umano "napuno na ang salop" ni Kathryn at tuluyan nang bumitaw kay DJ kesehodang halos sa kasalan na nga ang punta ng relasyon nila.


Sa viral post na may title na "Kathniel VS GV" kung saan ikinuwento ang nangyari sa pagitan nina Kathryn at Daniel na naging mitsa ng hiwalayan at ang pagkakaugnay ng aktor hindi lang kay Andrea Brillantes kundi maging sa Kapamilya young star na si Gillian Vicencio, sinabing may original post na deleted na ngayon.


Ang laman ng viral post…


"Okay, so since deleted na 'yung original post kwento ko na lang sa inyo, hahahaha!


"Around September this year when DJ cheated with G.V. or baka prior to this month pa.


September lang nahuli.


"G.V. said to Sue R. that Deej is juts daw. Sue R. told Sofia A. which is closed friend ni Kath.


And then Kath wondered why G.V. knows about it. So, nagduda na siya.


"Remember when Kath went sa South Korea to receive her award as Best Asian Female Actor ba 'yun? Basta 'yunnn, before here flight dumaan siya sa condo ni Daniel in BGC to say her goodbyes.


She asked for Deej's phone pero hindi binigay which is unusual. She threatened Deej na kapag hindi ibinigay pagkabilang niya ng 1 to 3 right there and right away makikipag-break si Kath. Binigay naman daw pero Deej said daw na madaming cheating convos sa phone.


And hoolaaa, kausap lagi si G.V.


"So nakipag-break na daw nu'n si Kath. 2 weeks after breakup, du'n na nag-start ma-sight si Deej sa condo ni A.B. Inom-inom, comfort at kung saan-saan na siguro humantong.


"That's all guys. We hope Kath can overcome all of these."


Well, kung paniniwalaan natin 'yung sinasabi ritong date kung kelan nagpunta si Kathryn sa South Korea para tanggapin personally ang kanyang Outstanding Actress for TV Series award sa 18th edition ng Seoul Drama International Awards, first or second week of September, 2023 'yun.


So, kung that time nabuking ni Kathryn ang sinasabing 'cheating convos' nina Daniel at G.V. na ang tinutukoy nga raw ay si Gillian Vicencio, lumalabas na September pa pala naghiwalay ang KathNiel, pero after 2 months lang umamin.


Ang nakakaloka rito, kapag hindi nag-deny si Daniel, baka maniwala nga ang mga fans na totoo ang itsinika raw ni Gillian Vicencio sa kaibigang si Sue Ramirez na "dyutay" siya.


And for sure, dahil nadamay din ang pangalan dito ni Sofia Andres na BFF ni Kathryn, marami ring gustong malaman ang kanyang 'side of the story'.


Oh, 'di ba? Hindi na nga naman kailangan pang siraan ni Kathryn si Daniel dahil kahit pala hindi siya maglabas ng mga kuwento, may mga tao mula sa kampo niya ang nagkakalat na ng mga ganap sa pinagpipiyestahang isyung ito.


Hay, life nga naman!


Well, isa rin kami sa mga nanghihinayang sa relasyong Kathryn at Daniel, pero sabi nga, kung saan sila magiging masaya, suportahan taka!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page