Isinugod sa ospital… ENCHONG, MUNTIK MAGSARA ANG LALAMUNAN SA ALLERGY
- BULGAR
- Apr 23
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 23, 2025
Photo: Enchong Dee - IG
Isinugod sa ospital si Enchong Dee dahil sa tindi ng allergy na kanyang naranasan.
Sa kanyang Instagram (IG) Story ay ibinahagi ng aktor ang larawan niya na nasa ER (Emergency Room) ng ospital sa Makati at 4:21 AM.
Aniya sa caption, muntik na raw magsara ang kanyang lalamunan, kaya nagpasalamat siya sa mga ER doctors sa mabilis na aksiyon ng mga ito.
“Thank you to all the ER doctors and nurses in Makati Med. My throat almost closed if it wasn’t for their quick response,” aniya.
Aniya pa, ngayon daw ay aalamin na niya ang full list ng kanyang allergies.
“I honestly don’t know the full list of my allergies. Now it will be a priority as soon as I’m done with work,” sey ng aktor.
Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng health insurance sa mga ganitong pagkakataon.
“Also, health insurance is a must! Ang bigat-bigat ng extra gastos ‘pag may karamdaman tayo,” pahayag niya.
MATAPOS ang isang tahimik at makabuluhang Semana Santa sa loob ng Bahay ni Kuya, humarap nang muli sa ikatlong (3) nomination night ang mga housemates.
Ang mga nominado ngayong linggo ay ang duo nina Ralph at Dustin (RaSti), Michael at Emilio (MiLi), at Brent at Vince (BrInce).
Nagkaroon din ng matinding tensiyon sa pagitan ng task leader na si Klarisse at nominated housemate na si Dustin dahil sa ilang violation sa kanilang weekly task.
Samantala, biniro naman si Dustin ng isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si David Licauco sa recent Facebook (FB) post nito na mukhang maaabutan pa ni Dustin ang showing ng kanyang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) kung sakaling palabasin na ito ng Bahay ni Kuya.
Sey ni David, “Sagot ko na ‘yung movie tickets. Hehehe! @dustin.”
Sa ilang interviews nga ng Pambansang Ginoo ay pabiro niyang kinukumusta ang kaibigan habang ito ay nasa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.
FINALLY ay nakapili na si Shaira Diaz ng kanyang wedding dress para sa kasal nila ni Edgar Allan “EA” Guzman ngayong Agosto.
Sa post ng Kapuso actress sa kanyang Instagram (IG) ay ipinakita niya ang larawan kung saan ay binisita niya ang shop ng kilalang designer sa South Korea na si Choi Jae Hoon sa Gangnam.
Caption niya: “The day I found the one I’ll walk down the aisle in.”
Si Choi Jae Hoon ang siya ring designer nina BLACKPINK’s Rosé, singer IU at Song Hye-kyo.
Pumunta pa ng South Korea sina Shaira at EA para maghanap ng wedding dress dahil nga ito ang pangarap ng aktres.
“Kasi sa sobrang love ko ang Korea, ang culture nila, mahilig ako sa K-drama, K-pop, BTS, so gusto kong something very personal sa ‘kin,” ang paliwanag ni Shaira sa isang interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung bakit sa South Korea niya gustong bumili ng wedding gown.
Isinabay na rin nina EA at Shaira ang kanilang pre-nuptial shoot sa nasabing bansa.
Matatandaang inanunsiyo ng celebrity couple na gaganapin ang kanilang church wedding sa Silang, Cavite ngayong Agosto.
“Para po tahimik, away from the noise. My dream wedding, very intimate lang po, close friends,” sey ng aktres kung bakit sa Cavite nila napiling ikasal.
So far, ang ini-reveal pa lang nilang makakasama sa wedding entourage ay sina Arra San Agustin, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra at Julia Montes. Isa naman sa mga ninang nila ay ang CEO ng ineendorso nilang Beautéderm na si Miss Rhea Anicoche-Tan.