Isinikreto lang daw… KALAT NA: ALEX AT MIKEE, MATAGAL NANG KASAL

Updated: Jan 9, 2021
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 4, 2021

May mga netizens na nagtatanong kung kasal na raw ba sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.
Ayon sa mga ito, November pa raw kasal sina Mikee at Alex. Na-postpone lang daw ang wedding ng celebrity couple dahil nagpositibo si Alex at ang fiancé niya sa COVID-19.
May nagkomento namang… “Parang nagmamadali ang mga celebrities magkarelasyon.
Dahil kaya ito sa pandemic na nangyayari? Naghahanap sila ng meaning sa mga buhay nila?”
“Lol. Na-cancel kasal nila kasi nga pandemic. Nakalatag na plans kaya push na kahit civil lang. Bakit ba? Love is in da air kahit pandemic, napipigilan ba ang love?”
Sabi naman ng isang follower ni Alex, “Siyempre, malalaman natin 'yan sa kanyang vlog!”
Sigurado raw naman na ibabahagi ng TV host-actress-vlogger kung married na nga sila ng konsehal ng Lipa City.
Baka raw naghahanap ng right timing si Alex kung kelan niya ito ia-upload sa kanyang YouTube channel.
“Congrats, Mr. and Mrs. Morada! Looks like you have sealed the deal.”
“Sana, i-announce na, waiting kami. Congrats, love birds.”
Espekulasyon talaga ng mga netizens ay kasal na sina Alex at Mikee, although sa civil nga lang daw muna.
“Yes, they got married secretly with just their families.”
“Sabi na, eh, bridal shower niya 'yung nag-party-party 'yung kapatid niya nu'ng November. Obvious naman sa IGS at posts ni Toni nu'ng Nov. 9.”
Well, wait na nga lang natin ang pag-amin ni Alex.





Comments