top of page
Search
  • BULGAR

Isinama sa sikat na serye… SHARON, BUMALIK ANG TIWALA SA SARILI DAHIL KAY COCO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 15, 2022



Muling pinaiyak ng FPJ's Ang Probinsyano cast ang mga avid viewers nang personal nilang pasalamatan sa ASAP Natin 'To kahapon.


Si Shaina Magdayao ay 'di napigilang maiyak dahil magkakahiwalay na sila ng mga Task Force Agila na ilang taon din niyang nakasama. Nagpapasalamat siya kay Coco na isinama siya sa longest-running teleserye ng bansa.


Si Angel Aquino ay 'di rin napigilang umiyak. Maganda ang farewell goodbye niya sa mga viewers.


Aniya, "General Diane Oligario (saka sumaludo sa national TV) signing off."


Ayon naman kay Megastar Sharon Cuneta, pinasasalamatan niya si Coco dahil isinama siya nito sa kanyang sikat na action serye. Nagbalik daw muli ang kumpiyansa niya sa sarili bilang artista.


Higit sa lahat pinasalamatan niya ang buong cast sa respetong ibinigay ng mga ito sa kanya.


Hindi pa raw diyan magtatapos ang Ang Probinsyano, sey naman ni Coco. Magkakaroon daw sila ng US tour kasama ang cast ng action serye simula nitong September hanggang buwan ng October.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page