Isinabay sa b-day ng aktres, sa huwes lang… RIA AT ZANJOE, IKINASAL NA NU'NG MARCH 23
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 26, 2024

Ikinasal na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony.
Ipinost kahapon (March 25) ni Zanjoe sa kanyang Instagram ang mga larawan ng naganap na kasalan at sa kanyang caption ay may date na nakalagay na “03.23.24” which means ikinasal sila nitong nakaraang Sabado kasabay ng pagdiriwang ng ika-32 kaarawan ni Ria.
Sa caption ay tinawag ni Z na “My Wife” si Ria.
“03.23.24. Happy Birthday MY WIFE,” isinulat ng actor.
Makikita sa larawan na simple lang ang kasuotan ng celebrity couple. Naka-white dress si Ria habang nakasuot naman ng black suit si Zanjoe.
Dagdag pa, ipinost din ng aktor ang larawan ng kanilang 3-layered wedding cake.
Bago ito, nitong nakaraang linggo pa lumutang ang balitang ikakasal na sa huwes ang dalawa nitong weekend at marami ang nagtataka kung bakit hindi nila ito inanunsiyo.
Matatandaang in-announce nina Ria at Zanjoe ang kanilang engagement last Feb. 20.
Kasunod nito ang balitang nagdadalantao na ang aktres, pero wala naman silang pahayag pa tungkol dito.
Inulan naman ng pagbati mula sa mga netizens, friends and kapwa-celebrities ang post ni Zanjoe about the wedding.
“Uy, wife!! Congrats Mr. & Mrs. Marudo,” ang pagbati ni Angelica Panganiban.
“Cutieeeees!!! So happy for the both of you!!” sey naman ni Jane Oineza na may red heart sa dulo.
Mensahe naman kay Z ng sister ni Ria na si Gela Atayde, “Welcome to the family, Kuya.”
Sabi rin ni Kyline Alcantara, “Congratulations tatayyy and ate @ria.”
Bumati rin sina Jake Ejercito, Vina Morales, Eula Valdez, Loisa Andalio, Marco Gumabao, Nikki Valdez, Rei Anicoche-Tan of Beautederm at marami pang iba.
As we write ay wala pang ibang detalye na inilalabas ang bagong kasal hinggil sa kanilang wedding.
Anyway, congratulations, Zanjoe and Ria!





Comments