Isang serye lang daw ang nag-hit… SIGAW NG NETIZENS: DINGDONG, WA' 'K' TAWAGING PRIMETIME KING
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 16, 2023

Usap-usapan ngayon ang bagong movie na Firefly na pagbibidahan ng malalaking artista tulad nina Dingdong Dantes, Cherry Pie Picache, Alessandra de Rossi, Epi Quizon, Yayo Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Kokoy de Santos at ang child star na si Euwenn Aleta.
Pero ang mas pinag-usapan ng mga Marites na netizens ay ang pagiging Primetime King ng Kapuso actor na si Dingdong.
"Nakakakilabot 'yung Primetime King pa rin ang eme nila, ha? Nakapagteleserye na ba 'to na tumagal ng successful years?" maasim na hirit ng isang netizen.
Pagtatanggol naman ng isa na waring may patutsada naman sa serye ng Primetime King na si Coco Martin, "Hala, si baks, ang basehan ng quality ay mahabang serye na kahit wala nang kaisto-istorya. GMA's Primetime King ang tawag sa kanya ever since dumating si Coco sa mainstream kasi marami naman siyang serye na top rater dati."
"Dapat lang na tawagin siyang King, besides, GMA bosses naman ang nagbigay ng mga high rating show niya compared sa ibang talents ng GMA. Siya ang pioneer at very loyal sa network na GMA ever since nag-start siya. He has the rights to be called a 'King.'"
Pagtatanggol pa ng isang fan ni Dong, "Hindi pa nag-aartista 'yung naka-7 years na teleserye, bida na sa Primetime TV si Dingdong. Mas mahaba naman sa pitong taon ang inilagi ni Dong sa primetime, ano! 'Yung naka-7 years, Primetime King sa network nila 'yun. Sa GMA po, si Dong."
"LOL sa Primetime King. Isang TS (teleserye) lang naman nag-hit sa kanya and that was many, many, many years ago. Sa lahat yata ng male stars, kay Daniel Padilla lang ang laging hit ang TS sa primetime."





Comments