top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Isang linggong extension ng MECQ sa NCR plus, pinag-aaralan na naman!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 28, 2021



Inilabas na sa ospital si Erap.


Mainam naman!


◘◘◘


INIREREKOMENDA ang one week extension ng MECQ sa NCR Plus.


Malaki ang tama ninyo!


◘◘◘


LUMILIIT na ang bilang ng nagpopositibo sa COVID.


Hindi lahat ng positibo sa COVID ay may sakit.


Nasa 98 percent ay mild cases!


◘◘◘


TULIRO ang India sa pagkalat ng COVID kahit sa naturang bansa ginagawa ang milyun-milyong doses ng bakuna.


Halos isang bilyon kasi ang kanilang populasyon!


◘◘◘


MAHIGIT isang bilyong din ang populasyon sa China.


Pero, nadidisiplina nila ang mga tao dahil nasa ilalim sila ng komunistang gobyerno!


◘◘◘


TALIWAS sa China, pinakamalaking demokratikong gobyerno ang India.


Marami ang matitigas ang ulo, tulad sa US at Pilipinas!


◘◘◘


AYAW pang dumeklara sa pagka-pangulo si Inday Sara kahit nangunguna sa survey.


Mana sa ama!


◘◘◘


PUMAPANGALAWA sa survey si dating Senador “BongBong” Marcos.


Hindi sila magkokontrahan, bagkus ay magkasangga!


◘◘◘


NASA ikatlong puwesto si Sen. Grace Poe.


Hindi na niya partner si Gov. Chiz, puwede na siyang manalo!


◘◘◘


NAIIWAN si VP Leni sa survey.


Nasanay na siya palagi sa “laylayan”!


◘◘◘


NAGLAHO ang isyu na may malubhang sakit si P-Digong.


‘Yan ang milagro ng siyensiya at “media”!


◘◘◘


TAMEME ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao.


Nasadlak siya sa neutral corner!


◘◘◘


WALA pang desisyon si Mayor Isko sa 2022 election.


Napaaway pa siya sa taga-Cavite!


◘◘◘


TUMAHIMIK bigla ang kampo ni Sen. Bong Go.


Nakadagdag kasi siya sa hirap sa pag-aanalisa sa halalan!


◘◘◘


NASAPAWAN ng community pantry ng anti-Digong ang Malasakit Center ni Sen. Go.


Ang ipinamimigay sa Malasakit Center ay resources ng gobyerno—pero walang natatanggap ang mga nagdarahop.


Ang nakukuha sa community pantry ay mula sa pribadong sektor, wantusawa ang hakot ng mga naghihirap!


◘◘◘


NATATALO si Go ng sitwasyon.


Kailangan niya ay bihasang tagapayo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page