ISANG BRANCH NG RESTO NI ALDEN, LUGI, MAGSASARA

ni Nitz Miralles - @Bida | December 1, 2020

Pansamantala palang isasara ang Concha’s Garden Cafe branch sa Quezon City kung saan isa sa mga may-ari ay si Alden Richards. May announcement na ang management ng resto na: “Thank you for enjoying our food until December 31, 2020. Till we eat again, Q.C.”
Nalungkot ang mga fans sa balitang ito dahil naging meeting place nila ang Concha’s Garden, na-enjoy nila ang food, at dito rin nila minsan nakikita at nakakausap ang Pambansang Bae.
Kaya ang ibang fans, habang bukas pa ang resto, papanay-panayin na raw ang pagkain dito dahil hindi nga naman nila alam kung kailan ito muling magbubukas.
Kung naalala ninyo, nabalita na hindi nagtanggal ng empleyado si Alden sa Concha’s at sa McDonald’s branch niya. Ang ginawa, pinag-alternate niya ng schedule ang mga employees niya na much better kesa mawalan sila ng trabaho. Kaya lang, malaki ang overhead ng Concha’s Q.C., hindi na kayang i-maintain, mas mabuti kung isasara muna kesa tuluyang magsara.
Siguradong umaasa si Alden at mga co-owners ng Concha’s at pati na rin ang kanyang mga fans na early next year, muli silang magbubukas.
Ang branch lang sa Q.C. ang pansamantalang magsasara dahil tuluy-tuloy na open ang ibang branches nito.
Speaking of Alden, this Tuesday (December 1) na ang simula ng pre-order ng new single niya from GMA Music na Goin’ Crazy sa iTunes.
Sa Dec. 8 naman iri-release ang single sabay sa kanyang Alden’s Reality, the first virtual concert ng bansa.
Sa direction ni Paolo Valenciano, guests sina Rodjun at Rayver Cruz at ang December Avenue Band.





Comments