top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Isang bagahe ang dala abroad… MAINE, 'DI NAG-UULIT NG BRANDED BAG 'PAG KASAMA SI ARJO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 15, 2022



Parang pabalik na ng Pilipinas sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil sa post ni Maine na “Daily OOTD entries bout to come to an end almost there.”


Mami-miss ng kanyang mga fans ang daily post ni Maine na bukod sa OOTD, pansin ng mga followers niya na hindi siya nag-uulit ng mga ginagamit na branded bags at ang feeling ng mga fans ng aktres, ang isang bagahe ni Maine ay para lang sa mga bags niya.


Nadagdagan pa ang mga bags dahil nga nag-shopping siya sa Chanel noong nasa Paris sila.


Isa sa mga aabangan pagbalik nina Maine at Arjo ay ang paglapag nila sa NAIA dahil pauwi na nga ang dalawa. May mga naniniwala pa rin kasi na hindi sila umalis ng bansa.


May nagsabi pa ngang si Alden Richards at hindi si Arjo ang kasama ni Maine.


Aabangan din ang pagbabalik ni Maine sa Eat… Bulaga! na tiyak, pagdududahan din at hindi paniniwalaan ang mga ikukuwento sa European vacation nila ng fiancé.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page