Isabela Vice Mayor Respicio, kinasuhan dahil sa socmed post
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | May 23, 2026

Photo: Vice Mayor Harold Respicio - FB
Ipinagharap ng reklamo ang vice mayor ng Isabela ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng statements nito sa social media.
Mismong si CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso, kasama si Presidential Communications Office Usec. Precious Hipolito-Castelo, ang naghain ng complaint affidavit laban kay Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Jeryll Harold Respicio.
Sa pulong balitaan sa NBI headquarters, sinabi ni Paraiso na kabilang sa reklamo ang inciting sedition, inciting rebellion, at unlawful means of publication.
Iginiit ng CICC na ang reklamo ay walang kinalaman sa freedom of speech kundi tungkol
sa paglikha ng isang limitasyon kung ang mga pahayag ay mapanghimagsik o seditious.
Binanggit naman ni NBI Director Melvin Matibag na ang post ni Respicio na rebolusyon ang sagot kung ang Konstitusyon ay hindi umiiral.
Sabi ni Matibag na maglalabas ang NBI ng subpoena para kay Respicio upang makuha ang kanyang panig para sa pagsasagawa ng case build up sa isasampang reklamo sa Department of Justice (DOJ).





Comments