top of page
Search
  • BULGAR

Isa sa mga cast ng “All of Us Are Dead”, Pinay

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022



Patok ngayon ang Korean zombie series na “All of Us Are Dead” kung saan isa sa mga cast nito ay isang Pilipina.


Kasabay ng pagsikat nito ay dumami rin ang followers ng mga cast nito sa social media.


Batay sa ulat nitong Huwebes, sinabing matindi ang pagka-hook ng mga Pinoy sa series, na tungkol sa mga estudyanteng naipit sa kanilang school matapos kumalat ang isang zombie virus kung saan kailangang makatakas ng mga ito mula sa mga zombie.


Kabilang sa series na ito ang Pinay na si Noreen Joyce Guevarra na gumanap bilang isang international student sa Korea at nagpa-part time sa movie productions.


Si Noreen Joyce ay napabilang na rin sa maraming Korean dramas, at nakatrabaho ang iba’t ibang Korean stars.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page