Isa sa APO Hiking Society... DANNY, PUMANAW NA SA EDAD NA 75
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 1, 2022

Pumanaw na kahapon sa edad na 75 ang isa sa tatlong miyembro ng APO Hiking Society na si Danny Javier.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Justine Javier sa Facebook account nito.
Post niya tungkol sa pagpanaw ng ama sanhi ng matagal nang sakit… "In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way."
Maging ang matagal nang kaibigan at kasamahan ni Danny sa APO Hiking Society na si Boboy Garovillo ay naglabas din ng saloobin sa kanyang Facebook account.
Post nito, "Just feeling the loss of an old faithful friend who knew what love is although sometimes it just doesn't show. My friend lives on in his music."
Matatandaan na taong 2020 nang aminin ni Danny sa kanyang Facebook page na may dinaramdam siyang sakit sa puso, baga at bato.
Kami po ay taos-pusong nakikiramay sa pamilyang naulila ni Danny Javier. May he rest in peace.





Comments