top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Isa raw sa mga rason na walang plano ang ex-BF… KIM, NAGSALITA NA SA BREAKUP NILA NI XIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2024
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 18, 2024





Mukhang naka-move on na si Kim Chiu sa breakup nila ni Xian Lim dahil for the first time ay pumayag siyang pag-usapan ito.


Sa bagong vlog ni Dra. Vicki Belo sa YouTube ay sinagot ni Kimmy ang mga diretsong katanungan sa kanya at sey nga niya sa celebrity doctor, “Sa ‘yo lang ako nagpa-interview.”


Sa unang tanong na kumusta siya, ani Kim ay okay naman siya at busy sa work.


Tinanong ni Dra. Vicki kung kumusta ang puso niya at sagot ni Kim, “Ang puso, it’s a little empty, pero okay naman, it’s ano naman, part of life and part of growing up.”


Hanggang sa nauwi nga ang usapan sa mga lessons ni Kim sa mga naging relasyon niya at magkaiba naman daw sa kanyang dalawang relasyon.


“’Yung isa, it’s a different scenario and this one is also different,” ani Kim na kahit walang pangalang binabanggit, obvious naman na sina Gerald Anderson and Xian ito.


Diretso siyang tinanong ni Dra. Vicki kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Xian without mentioning the actor’s name.


“Wala naman, baka magalit siya. Ano lang talaga, it’s ano lang, common understanding naman namin, mutual decision to end things or to move on with our lives,” saad ni Kimmy.


“It’s very personal, medyo mahirap siya and you just have to accept siguro ang mga bagay na wala ka nang control and you cannot push yourself sa isang bagay na not naman in the same wavelength,” aniya tungkol sa breakup.


Tinanong din ang aktres kung sa loob ba ng 11 years ng kanilang relasyon ay tinanong ba nito si Xian kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila.


“Hindi talaga. Hindi ako nagtanong,” Kimmy replied.


“Pero iniisip mo?” tanong ulit ng CEO ng Belo Medical Group.


“Iniisip ko,” pag-amin ng aktres, “and then, it’s also one of the reasons of the many reasons.


Siguro maliit, hindi naman siya big factor, pero siyempre, as we grow old, siyempre, iisipin mo na rin ‘yun.”


Kaya ngayon daw, ayon kay Kim ay ayaw na niyang mag-expect.


“Ako kasi, Dok, ngayon, parang ayoko na ng too much expectation on what will happen sa buhay ko in the next 6 months or in the next years to come.


“Parang gusto ko na lang mag-enjoy. Kasi, parang sa buhay natin, naplano na ‘to ni God lahat, eh. Everything doesn’t happen by chance,” sey niya.


“It was written already before you were born. Parang ganu’n na siya, parang ganu’n na ‘yung paniniwala ko. ‘Ah, hindi pa siguro siya time for me. Hindi siguro siya ‘yung para sa ‘kin,’” dagdag pa niya.


Tanong pa kay Kim, “Do you feel you’re worth loving?”


Sagot naman ng aktres, “Of course, kaya ang haba ng pasensiya ko and I give my one hundred percent para in the end, wala akong pagsisisihan, wala akong regrets, just lessons learned.”


Ayon pa sa aktres, “I want to give love para someday, someone will give me his unconditional love.”


When asked kung hindi pa niya naramdamang binigyan siya ng unconditional love, at ani Kim, “From my ate.”


At one point ay nagbiro ang aktres na next time ay iigsian na lang niya ang kanyang relasyon.


“Baka ngayon, igsian ko na lang para dumami,” sabay-tawa. “Ang haba kasi – 5 years, 11 years. Igsian ko na lang, 5  hours, 11 hours.”


Naaliw naman kami nang diretsong tinanong ni Vicki si Kim tungkol sa napabalitang bagong girlfriend ni Xian.


“Naririnig ko na po na meron nang iba ‘yung isa. Actually, ang chismax ay medyo matagal na siyang merong ganu’n from Viva Films, hindi ko alam sino. And narinig ko lang, ha! So, ang question is… is it true?” tanong ni Dra. Vicki.


Panay naman ang “OMG” ni Kimmy habang nagsasalita si Vicki.


Then, seryosong sagot niya, “Hindi ko alam, dok. Wala akong idea.”


Ang huling tanong kay Kim ay kung totoo naman ‘yung tsismis tungkol sa kanila ni Paulo Avelino at ang sagot na lang ng aktres, “Watch na lang sila ng What’s Wrong with Secretary Kim.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page