top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Isa na namang kasaysayan… Siyentipikong Pinoy, narating ang pinakamalalim na parte ng dagat na sakop

BULGAR
Mar 28, 2021
2 min read

ng ‘Pinas!


ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 28, 2021



Gumawa ng kasaysayan nitong nakaraang linggo ang isang siyentipikong Pinoy nang marating niya ang pinakamalalim na parte ng dagat na sakop ng ating bansa.


Narating ni Dr. Deo Florence Onda, isang microbial oceanographer ng University of the Philippines - Marine Science Institute (UP-MSI), ang Emdem Deep sa Philippine Trench nitong March 23.


Lumapag ang sinasakyan nilang deep-sea submersible DSV Limiting Factor sa lalim na 10,045 meters o 10 kilometro. Kung ihahambing, kasyang-kasya ang Mt. Everest, ang pinakatamaas na bundok sa mundo sa taas na 8,849 meters, sa Emdem Deep.


Nakasama si Dr. Onda sa Emden Deep Expedition nang siya ay maimbitahan ng pribadong kumpanyang Caladan Oceanic.


◘◘◘


Mahalagang karanasan ito para sa mga siyentipikong Pinoy, dahil na rin ang kalimitan sa mga ekspedisyong tulad nito ay nagagawa ng mga banyaga.


Makakakuha rin tayo ng karanasan at kaalaman sa pagsasagawa ng mga scientific expeditions, pati na rin ang paghawak ng mga makabagong kagamitan.


Ang mga pag-aaral at research na magagawa naman ay makatutulong sa pagpapaunlad at pagsulong ng siyensiya, lalo na sa “protection, preservation, and conservation of the Philippine marine environment”, ayon sa UP-MSI.


Kasama rin sa layunin ng ekspedisyon ang pagwagayway ng “Philippine Flag in the Emden Deep during its record-setting voyage, highlighting that it is an integral part of our nation’s heritage”, dagdag pa ng UP-MSI.


◘◘◘


Bilang chairman ng Senate Committee on Science and Technology, binabati natin si Dr. Onda at ang mga kasama niya sa kanilang matagumpay na misyon.


Naghain tayo ng Senate Resolution number 692 upang bigyang-puri ang katangi-tanging okasyong ito, at bigyang-halaga ang kontribusyon ng mga Filipinong siyentipiko tulad nina Dr. Onda upang isulong ang science and technology sa ating bansa.


Maging inspirasyon din sana ang makasaysayang pangyayaring ito para sa kabataan, at nawa’y dumami pa ang maging interesado sa larangan ng science, technology, engineering, at mathematics.


Mabuhay ka, Dr. Onda at ang siyentipikong Filipino! Patuloy sana ninyong isulong, paunlarin at linangin ang kagalingan at kakayahan ng ating manggagawang pang-agham!


◘◘◘


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page