top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isa na lang sa TNT magkakampeon na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2021
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 28, 2021





Matinding pagsusumikap ang ginawa ng bench players ng TNT Tropang Giga para suportahan ang atake ng koponan sa 3-1 lead sa Game 4 ng best-of-seven championship series kontra Magnolia Pambansang Manok Hotshots kagabi, 106-89 sa 2021 Honda Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Kumana ng 51 puntos ang bench players ng TNT para tulungan ang scoring ni Mikey Williams na tumapos ng 26 pts. habang nag-ambag ng double digit sina Jayson Castro (12), Ryan Reyes (10), Dave Marcelo (10), Poy Erram (9) at Kib Montalbo (8). Tinanghal si Reyes na best player of the game na nagpasimula sa sa opensa at depensa ng TNT.


Namemeligro ang grupo nina Calvin Abueva, na bumida sa game-high 28 pts, Ian Sangalang (17) na mamaalam sa serye kasunod ng sangkaterbang turnovers na tumapos sa 24.


Nagawang mag-init sa opensa ang TNT sa 2nd quarter para makuha ang highest lead 44-31 mula sa lay-up ni Williams sa nalalabing 6:06 ng laro.


Napanatili ng TNT ang malaking kalamangan sa kabuuan ng 4th period para pahirapan ng husto ang Hotshots na papasok ng Game 5 bukas ng 6 p.m. gabi na may tsansang matapos ang matagal na pagkagutom sa kampeonato na huling beses nakamtam nu'ng 2015 Commissioner’s Cup, habang nung 2012-2013 season pa ito nagwagi ng Philippine Cup title.


Samantala, hinirang na Best Player of the Conference si Abueva sa kabuuang puntos na 934 para higitan si top rookie scorer Mikey Williams na mayroon namang 843 points.


Nakamit ng 33-anyos mula Angeles City ang ikalawang BPC crown na una niyang naibulsa nung 2016 Commissioner’s Cup mula sa Alaska Aces. Kumamada ng averages na 16.1pts, 7.3 rebounds at 3.1 assists si Abuevan. Nakakuha naman si Williams ng 389 sa stats, habang pumangatlo si Magnolia big man Ian Sangalang sa 591 points, Robert Bolick ng Northport sa 447 points sa 4th at June Mar Fajardo ng San Miguel sa 403 points sa 5th place.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page