Search
  • BULGAR

Irving, pasaway, itatapon sa Pelicans, Demar Derozan, lilipat sa Lakers

ni MC - @Sports | January 20, 2021





Napikon na umano ang management ng Brooklyn Nets kaya may lumabas na balitang ite-trade ang pasaway na si Kyrie Irving sa New Orleans Pelicans.


Ayon sa Nets, naka-programa umano ang apat na taong pagkakampeon ng kanilang koponan matapos kuhanin si Kevin Durant at Kyrie Irving noong NBA offseason. Nasayang umano ang isang taon dahil sa injury at ngayong ikalawang taon ay hindi pa rin umano nakalalaro si Irving dahli sa hindi maipaliwanag na personal reason.


Dahil umano palaban ang Nets ngayong season handa itong gumastos para makuha ang kagaya nina Irving, Durant at bagong idinagdag na si James Harden sa isang blockbuster deal ay ready rin umano itong pumasok muli sa isang deal kung kinakailangan gaya sa kaso ni Kyrie.


Ibig sabihin ay maaring itatapon na ng Nets si Irving at ang posibleng trade partner ng Brooklyn ay ang Pelicans. Sakaling makuha si Irving, mapabibilis nito ang proseso upang makapagdala ng winning experience sa Pelicans team.


Kung itatapon ng Nets si Irving sa ibang team ang ibig sabihin lang talagang seryoso ang Booklyn na magkampeon ngayong taon. Kahit mawala umano si Irving ay hindi probelma sa Nets dahil may malakas pa rin silang duo sa katauhan nina Durant at Harden.


Samantala, inaasahang lilipat sa Los Angeles Lakers si Spurs star player DeMar DeRozan matapos hindi umano magkasunod ang San Antonio na bigyang muli ng bagong kontrata ang sikat na manlalaro.


Target umano ng Spurs na humanap ng bagong paraan upang makabalik sa postseason matapos ang isang taong pamamahinga dahil sa pandemic. Sinisilip ng Spurs na ilagay sa trading market sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge bago magsara ang NBA trade deadline, ayon sa insider.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.