top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Irving, nagpasiklab sa Mavs, Nets, naolats sa Clippers

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 8, 2023




Habang naghihintay ang mga tagahanga ng Dallas Mavericks kung anong kapalaran ang hatid ng paglipat ni Kyrie Irving ay nakamit ng kanilang koponan ang 124-111 tagumpay sa Utah Jazz sa NBA kahapon sa Vivint Arena. Kabaligtaran ang nangyari sa dating koponan ni Irving na Brooklyn Nets at pinalasap sa kanila ng bisitang LA Clippers ang 124-116 pagkatalo.


Sa gitna ng patuloy na pagliban ni Luka Doncic dahil sa pasa sa sakong, nakahanap ang Mavs ng tulong kay Josh Green at rookie Jaden Hardy sa second half upang baligtarin ang 62-60 lamang ng Jazz at lumayo. Parehong nagtapos na may tig-29 puntos sina Green at Hardy na pinakamataas din sa kanilang mga karera sa NBA.



Kahit wala na si Irving ay pumalag pa rin ang Brooklyn hanggang humirit ng three-point play si Nicolas Batum upang itaas muli sa 121-116 ang lamang ng Clippers at 56 segundo sa orasan. Mula doon ay sinigurado ng dunk ni Reggie Jackson at free throw ni Paul George ang kanilang ika-31 panalo sa 57 laro.


Nanguna si George na may 29 puntos at sumunod si Leonard na may 26 puntos.


Nasayang ang 47 puntos ni Cam Thomas kasama ang dalawang free throw na nagbigay sa Nets ng 113-109 lamang papasok sa huling tatlong minuto.


Maghihintay din ang World Champion Golden State Warriors na maghilom ang pilay ni Stephen Curry at sumandal sila sa 42 puntos mula sa 12 three-points ni Klay Thompson upang masugpo ang Oklahoma City Thunder, 141-114. Wagi rin ang numero unong Boston Celtics sa kulelat ng Eastern Conference Detroit Pistons, 111-99, sa likod ng 34 puntos at 11 rebound ni Jayson Tatum.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page