Ire-remake ang Maging Sino Ka Man… BARBIE AT DAVID, BAGONG SHARON AT ROBIN
ni Nitz Miralles @Bida | June 17, 2023

Ang TV remake ng hit movie nina Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla sa Viva Films na Maging Sino Ka Man ang nababalitang pagtatambalan nina Barbie Forteza at David Licauco.
Hindi pa man kinukumpirma ng GMA-7 ang balitang ito, super excited na ang mga BarDa fans nina Barbie at David.
Gusto ng mga fans, simulan na nina Barbie at David ang taping para may mapanood na sila. Kaya lang, paghahandaan pa ito nang husto, lalo na at ang role na ginampanan noon ni Robin ang gagampanan ngayon ni David.
Medyo maangas kasi ang karakter ni Robin sa nasabing movie at marami pang action scenes. Pero naniniwala naman ang mga fans na magagampanan nang maayos ito ni David.
Ang Maging Sino Ka Man daw ang ipapalit sa Voltes V, kaya baka sa September pa ito mapanood sa GMA-7.
Baka sumabay na rin ang airing nito sa movie nina Barbie at David na That Kind of Love, kaya masaya ang mga fans ng dalawa dahil marami pa silang aabangang projects sa kanilang mga idolo.





Comments