Ipinu-push na Cha-Cha, 'di suportado… SIGAW NG NETIZENS: ROBIN, RESIGN!
ni Julie Bonifacio @Winner | March 22, 2023

Nagsanib-puwersa sina Sen. Robin Padilla at Ormoc City Congressman Richard Gomez sa Kongreso para sa pagsusulong ng Charter Change o ChaCha.
Parang kailan lang nu’ng kabataan at kainitan ng popularidad ng dalawang aktor sa showbiz.
Pareho rin silang naging leading men ni Megastar Sharon Cuneta noong dekada '80 and '90, at maging sa dalawang malalaking movie projects ng aktres sa Star Cinema bago nag-pandemic — ang Unexpectedly Yours (with Robin, kasama sina Joshua Garcia and Julia Barretto) at Three Words to Forever (with Goma and Kathryn Bernardo).
Nakakatuwang pagmasdan sina Robin at Richard na magkasundo at magkakampi sa kanilang political ideologies. Parang kailan lang nu’ng sinuntok ni Sen. Robin si Cong. Richard sa Star Olympics noong 1991, ‘di ba?
Pero ngayon ay suportado ni Cong. Richard ang ipinu-push na Charter Change ni Sen. Robin.
‘Yun nga lang, mukhang ‘di suportado ng majority sa Senate si Sen. Robin, taliwas sa una niyang claim na majority ng mga senador ay suportado siya sa kanyang ipinu-push na ChaCha.
Dahil d’yan, viral sa Twitter ang panawagan ng mga netizens na mag-resign siya sa Senado.
Resign agad?! G na G, ha?!





Comments