Ipinauulit daw… RABIYA, AMINADONG 'DI KUNTENTO SI SEN. BONG SA AKTING NIYA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 16, 2022

Diretsahang sinabi ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na hindi siya willing na magpa-sexy sa mga proyekto.
Natanong kasi si Rabiya at mga co-stars niya sa Agimat ng Agila Season 2 na sina Michelle Dee and MJ Lastimosa kung open ba sila in tackling sexy roles since marami na rin sa mga beauty queens ang sumabak sa pagpapa-sexy.
“For me, hindi siya possible. It’s because I just won Miss Universe-Philippines and it takes a lot of years po siguro. And I also consider ‘yung audience ko po. Usually po kasi, ‘yung mga fans ko ay bata. So, siguro, kailangan kong dahan-dahanin ‘yung image ko,” sey ni Rabiya sa virtual mediacon ng Agimat ng Agila 2.
Bukod dito ay hindi raw siya papayagan ng kanyang ina.
“Ikino-consider ko rin po ‘yung mom ko. Mayroon siyang restrictions, mayroon siyang rules kung hanggang saan ba talaga ako.
“And sayang din. I won’t commit myself to a role kung hindi ako 100% ready to that. Kasi, sayang din ‘yung efforts ng writers, ng production. So, siguro, it’s safe to say na in the coming 3 years, hindi po muna ako gagawa ng anything sexy siguro. Hindi po ako tatanggap ng sexy,” deklara ni Miss Universe-Philippines 2020.
Samantala, feeling proud and happy si Rabiya na ang first acting project niya sa GMA-7 ay ang napakalaking proyekto na Agimat ng Agila kung saan ay isa nga siya sa mga leading ladies ni Sen. Bong Revilla, Jr..
“I’m very blessed kasi nga, right after Miss Universe-Philippines, I was given this opportunity to work with Sen. Bong Revilla and ‘yung ibinigay sa akin is far from my image bilang isang beauty queen,” sey ni Rabiya.
Aminado siyang may pressure rin talaga, “Kasi grabe po talaga ‘yung success ng book 1, pero again, it’s a good type of pressure para sa aming lahat I guess, and tulungan lang talaga,” aniya.
Isa pang ikinatutuwa niya ay ang feedback na may chemistry sila ni Sen. B
ong. At happy din siya na igina-guide siya ng leading man niya at binibigyan ng pointers.
“Sinasabihan niya talaga ako na for example, if he’s not satisfied of my delivery, siya mismo ‘yung magsasabi na ‘Direk, cut! Rabiya can do better than that.’ And naa-appreciate ko rin naman po kasi Sen. Bong won’t settle for any less. Gusto niya talaga, best performance every single take,” papuri ni Rabiya sa leading man.
Kasalukuyang napapanood ang Agimat ng Agila 2 every Saturday, 7:15 PM sa GMA-7.





Comments